Alynna Faith Rio
Dumire diretso akong pumunta sa cr at narinig ko pa si Sica na nagreklamo. Huwag sya iihi ha pag sya umihi magrereklamo din ako.
Natapos akong mag cr at lumabas na sa cubicle. Actually magkakaiba naman kami ng mga course. Tanging sa Algebra, Phil His at Filipino lang kame magkakasamang lima. Since high school pa kami magkakaibigan.
"Alynna ano ba talagang problema nyo sakin?" Tanong nya habang nagkasabay kaming maghugas ng kamay. Hinubad ko ang salamin ko at pinunasan yon. Tiningnan ko sya sa mata at hinarap.
"Ang kulit mo. Nakakainis ka." Sabi ko sabay talikod. Hindi ko na pag aaksayahan ng oras tong babaeng toh. Kaimbyerna.
"Kami na ni Jerome." Nakatungo nyang sabi. Nilaro nya ang kamay nya at halatang kabado sya sa sasabihin ko. Nilapitan ko sya at tiningnan ng matalim sa mata.
"Oh talaga? Anong paki ko? Huli ka na dahil matagal ko nang naamoy ang baho mo Jace. Hinintay mo lang na mag away away tayo para kainin mo ang isinuka ng kaibigan namin." Gulat syang napatingin sakin at nahalata kong pinipigil nya ang nagbabadyang luha na babasak sa mata nya.
"Narinig ko kayo. Noong araw na kakabreak lang ni Bianca at Jerome. Nakikiusap ka na maging kayo tutal tapos na naman sila. Masyado ka namang mapanghinayang, sinuka na nga kinain mo pa. Tinapon na nga pinagtyagaan mo pa. Pero ayos lang yan. Tamo ka na ngayon. Hindi ka na single. Tsk. Good luck bitch." Kinindatan ko sya at bago pa man ako makaalis may pahabol sya.
"Kayo na ni Marlon?" Hinarap ko ulit sya at tinaasan ng kilay. Hindi na naman ako nagtaka ng pagharap ko ay nakaganon din sya.
"Oo nung 1st year college pa tayo bakit aagawin mo din? Wag kang mag alala sa oras na maghiwalay kami sayo ko unang ipapaalam. Kawawa ka naman kase, para kang aso, sanay sa tira tira." Sabi ko sa kanya sabay ngisi.
"Walang nakakaalam ng relasyon nyo?" Tanong nya habang nakapamewang.
"Paki mo ba kung wala o meron? Wag kang mag alala. Hindi ko naman sasabihin kay Maam Fernandez na may kalandian na pala ang mahal nyang anak." Sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Hindi yon landian! Love yon! That's what you call love! Nagulat ka siguro na kaya ko ding magtaray gaya nyo kaya natatakot ka na sakin!" Sigaw nya. Gusto kong matawa sa ginagawa nya eh.
"Hindi na ako magugulat dahil expected ko na yan. Bitchy inside. Atleast kahit nasa secret relationship kami ni Marlon, mahal na mahal namin ang isa't isa. Mahal ko sya, mahal nya ako. Di tulad sayo, rebound at panakip butas lang. Mag countdown ka try mo, baka after 2 weeks break na kayo ng basurang kinakain mo ngayon." Inirapan ko sya at nilayasan ang comfort room na yon. Hayst stress ako!
"Ang tagal mo naman!" Sabi ni Raine habang tumatayo sya.
"Gutom na kami bes. Pakshet gutom na gutom na kame." Sabi naman ni Angie.
"Edi sana kumain na kayo. Di nyo na ako inantay." Napairap nalang si Raine at sabay sabay na kaming pumunta ng cafeteria.
Alam nya na kaya? Tsk. Paano ko ba toh sasabihin?
"Si Jace at Jerome sila na." Gulat akong napatingin kay Bianca habang tutok na tutok sa cellphone nya at panay ang subo ng french fries.
"Alam mo na?" Tanong ko.
"Oo naman. After 2 days ng break up namin sila na agad. Bilis nyang nakahanap ng bago ah." Kahit hindi nya sabihin bakas sa mukha nya ang sakit. Pinispisan naman ni Sica ang likod nya senyales na wag syang iiyak.
"Alam mo bessie gutom lang yan kumain ka na gutom ka eh. Kuya yung french fries namen!" Sigaw ni Raine at natawa nalang kaming lahat ng maaninag ng mata ko kung sino ang nasa entrance ng cafeteria.
Si James Marlon Paredes..
Saglit kaming nagkatinginan at nginitian ko sya. Ganun din sya sakin. Hindi kami nagpapansinan sa campus pero pag kami nalang dalawa ang magkasama, ang sweet sweet nya sakin.
"Hoy tulala. Andyan lang yung boyfriend eh nawindang na." Kantyaw sakin ni Angie. Namula nalang ako at pilit na tinago ang kilig nang biglang tumunog ang phone ko.
From: Marlon♡
Nagbablush ka prinsesa ko..
Lalong nag init ang pisngi ko ng marealize kong nakatitig sya sakin kanina pa. Whaaaaaaaa! Yung puso koooo! Juskoooo!
"Korni nyong lahat. Raine sagutin mo na kase ako." Pabirong sabi ni Angie.
"Iww! Dun ka nga ayoko sayo." Sabi naman ni Raine habang umuusog. Natawan nalang kami nila Sica sa kinikilos nung dalawa. Maya maya bumalik na kami sa block namin na pagdadausan ng 3rd subject. At this time kaklase ko na si Marlon. Dumiretso kaming lima sa kanya kanya naming block at ganon din ako. Nakasabay ko si Marlon hallway at nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko.
"Wala bang makakakita?" Tanong ko habang medyo nahihiya. Sya naman chill na chill at cool sa suot nyang leather jacket na black at pants na black din.
"Mainggit sila pag nakita nila." Sabi nya sabay kindat sakin. Dati syang playboy at marami syang ex-girlfriends pero ako lang ang nakapagpatino sa kanya.
Hawak kamay kaming pumasok sa block at naupo. Magkatabi din kami. Nung dumating na yung Prof binitawan nya na yung kamay ko. Nag start ng mag discuss yung prof namin at hindi naman ako makapag concentrate kase katabi ko tong Marlon na toh. Tingin tuloy ako ng tingin sa kanya. Nung last na tingin ko na tiningnan nya ako pabigla sabay kindat. Whaaaaaa! Ang puso ko mamatay! Whaaaaaaa!
"Ok class dismissed." Sabi ni Prof at ugh wala na naman akong natutunan. Kase eh..
"Bye prinsesa ko. See you mamaya ingat pag uwi di kita maihahatid busy ako." Sabi nya habang hinahatid ako sa next block.
"Oo naman ingat ka ha. Bye i love you.." sabi ko.
"I love you too." Kinindatan nya ako at umalis na sya.
"Hayyy Marlon.." sabi ko habang nakasandal sa pinto.
"Hayyy Alynna pasok na.." sabi ni Angie habang nakapamewang.
"Ahehehe. Sorna." Sabi ko sabay pasok sa block at naupo.
"Tapos ka nang magpantasya sa boyfriend mo?" Tanong ni Raine sakin at nag peace sign lang ako sa kanila. Minsan nga nahihiya na ako sa kanila eh. May mga araw na di ako nakakasama sa kanila at kay Marlon ako sumasama tapos kapag naman nag aaway kami ni Marlon sa kanila ako nakadaiti. Nakakahiya na nga eh.
"Wala si Sir." Kamot ulong sabi ni Charles.
"Weh? Nasaan daw?" Tanong ni Sica.
"Nasa seminar daw." Sabi habang tutok sa cellphone. Moba pa.
"Wala na namang teacher?" Tanong ni Bianca.
"Tara Maxfiy!" Magiliw na sabi ko na sinang ayunan nila.
"Walang kailangan bukas dba?" Sabi ni Bianca at agad kaming tumango.
Sabay sabay kaming naglagad palabas ng room at hindi naman kami nahirapan lumabas ng campus dahil kaclose naman namin si Kuyang Guard. Agad tinawagan ni Angie si Kuya Dilaw na servic namin para ihatid kami sa Maxfiy Academy. Napangiti ako dahil sa kalokohang pumasok sa isip ko. Palihim kong hinanda ang pintura ko sa bag. Yung creepy na bahay sa may dulo ang target ko. Vandalism na this!
~~~~~~~
YOU ARE READING
Forbidden History
Mystery / ThrillerSa mata ng karamihan isang simpleng eskwelahan lamang ang Maxfiy Academy. Maganda ang turo, mababait ang mga guro subalit may kaakibat na malaking sikreto. Limang mag-kakaibigan ang sumubok na alamin kung ano ang tinatago ng paaralan na ito. Samaha...