Chapter 10|| It's still her

87 6 0
                                    

ZED


Tulala parin ako hanggang sa makarating ako sa bahay namin. Sa tanang buhay ko ni hindi ko inaasahang hahalikan niya ako sa pisngi, kahit sa panaginip hindi parin pero yung nangyari kanina? Hayyyyy.



Ito ang kwento ng buhay ko. Ako si Keighfer Zed Mendez, tawag nila sakin ay Keigh pero may isang tao lang ang tumatawag sakin ng Zed at yun ay ang kababata kong si Riss, oh mas kilala bilang si Driss Chandrylle Logan, tama kayo ng basa, magkababata kami ni Driss.



6 years old ako nun ng makilala ko siya. Hindi siya maganda, yun ang unang nasa utak ko nung nakita ko siya sa may sala ng isang party na dinaluhan namin ni mommy ko. Lumabas ito kaya agad ko siyang sinundan. Nakaupo siya sa may swing habang nakasuot  ng pink na dress at naka ponytaIL ang buhok niya. Ewan ko ba, pero isa-isa kung inihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya. Tumigil lang ako sa paghakbang at nagtago sa may malaking puno at pinakinggan siyang kumakanta.



As in kumakanta siya. Hindi lang basta kanta, ang ganda rin ng boses niya. May tinawag siyang babae, yaya niya ata, may ibinigay ito sa kanya na maliit na gitara. Nang umalis na ang yaya niya ay muli siyang kumanta ng kanta.



"Tough girl in the fast lane

No time for love, no time for hate
No drama, no times for games
Tough girl whose soul aches

I'm at home on my own
Check my phone, nothing though
Act busy, order in, pay t.v
Eye's agony

I may cry ruining my makeup
Wash away all the things you've taken
I don't care if I don't look pretty
Big girls cry when their hearts are breaking
Big girls cry when their hearts are breaking
Big girls cry when their heart is breaking

Tough girl, I'm in pain
It's lonely at the top
Blackouts and airplanes
I still pour you a glass of champagne
Tough girls whose soul aches"



Tumigil siya sa pagkanta at nag humm nalang, ang ganda talaga ng boses niya pero parang ang lungkot. Tumayo ako ng matuwid at umalis sa may puno at naglakad patungo sa kanya. Umupo ako sa tabi niya, tumingin naman siya sa'kin habang nanlaki ang mga mata. Tinignan ko lang siyang mabuti, hindi naman pala siya ganun ka pangit, parang may tinatago itong ganda sa loob  pero isa lang ang hindi naka tago sa mukha niya na ganda, ang mga mata niya. Yumuko siya, dahil siguro sa ginawa kung pagtitig sa kanya ng mabuti. Tahimik lang kami, kaya na pag desisyonan ko ng mag salita.



" Hi" Bati ko sa kanya.



"H-hi." Utal na bati nito habang nakayuko.



"What's your name?" Tanong ko.



"D-Driss Chandrylle Logan" Mahinang sabi niya pero sakto lang para marinig ko. Wow ang ganda ng pangalan niya pero ang haba.

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now