Chapter 6||Transformation

97 8 0
                                    

DRISS


Mahimbing akong natutulog sa higaan ko kaso napabalingkawas nalang ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok sila kuya na nakangiti. Tumakbo sila papunta sa higaan ko pinipilit akong bumangon.



"Rise and shine Princess, pupunta pa tayo ngayon sa gym kaya bumangon ka na."Pamimilit ni kuya Raphael sa'kin.



"Kuya's I'm still sleepy"Sabi ko sa kanila, habang nakahiga parin.



"So ayaw mo ng mag-gym at pumayat?"Panunudyo ni kuya Quiro at dahil sa sinabi niya ay dali-dali akong tumayo sa kinahihigaan ko at nagtungo na sa banyo.



"Ligo na ako kuya's! Just wait for me down stairs!" Sigaw ko sa loob ng banyo. Narinig ko pa ang mga tawanan nila saka ang pagsarado ng pinto. This is it, papayat na ako! Woohoooo! I'm so excited!



Nagsuot ako ng isang black na leggings at gray na t-shirt saka black na rubber shoes. All back ang peg ko ngayon para madali. Naka ponytail lang ang buhok ko at isang gym bag lang ang dala ko. Dali-dali akong bumaba sa hagdan kaya hindi napigilan ang madulas. Agad akong nahulog sa hagdan at nauna ang mukha ko sa pagbagsak.


Sa totoo lang? ang sakit-sakit ng pisngi ng mukha ko pero keri lang, kung papayat lang din ako aba kahit araw-araw madulas ako at mahulog sa hagdan noh! Pero joke lang! Dali-daling dumalo sakin sina mommy, daddy at sina kuya na may pag-aalala sa mukha.



" Darling are you okay?" Nag-aalalang tanong ni daddy sakin.



" Bakit ka ba kasi tumatakbo Princess?" Tanong naman ni kuya Raphael.



Nag aalala silang tumingin sakin.



"Hehehe, sorry kuya, excited lang talaga ako masyado. Okay lang naman ako, di naman gaano ka sakit." Natatawang sabi ko pa. Tinulungan nila akong tumayo at iginaya sa dining table para kumain ng breakfast. Akala ko ba mag papapayat ako? Bakit lalamon pa? Hindi nalang ako nagtanong at sumunod na lang rin sa kanila.



"Saan kayo ngayon Quiro?" Tanong ni daddy habang umiinom ng kape.



"Sa metro gym dad, nakakuha na ako ng magaling na trainer para kay Driss." Sabi ni kuya Quiro kay daddy.



"Okay. After sa gym pupunta tayo sa Dermatologist ko Darling." Nakangiting sabi ni mommy na ikinangiti ko.



"Okay my!I'm so excited!" Hyper na sabi ko na ikinangiti rin nila.

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now