Chapter 11|| Ugly no more

86 6 0
                                    

DRISS



Ngayon ang first day ko sa dati kung school 5 years ago. Ewan ko ba pero na-eexcite ako. Lalo na sa mga magiging reaksyon ng mga taong umapi at nang husga sa'kin noon. Na tawagan ko na rin ang principal dun at sinabi ko na ang dating locker ko ang gagamitin ko. Isa kami sa may Investment sa Campus na yun kaya madali akong nakakuha ng connection, 40% ang na invest ni daddy. Kausap ko sa telepono ang bagong P.A ko dito sa Pinas. Her name is Zoe Fortalejo, a registered nurse and at the same time P.A ng ospital namin dito sa pinas. Siya ang inatasan ni daddy para tulungan ako.



" Ma'am, ang schedule niyo po ngayon ay sa school lang, this sunday pa po kayo papasok sa office." sabi nito.



"Okay, thank you for the info Zoe." Sabi ko sabay baba ng telepono. 



Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a red off shoulder dress na hapit na hapit sa katawan ko, hanggang gitna lang ito ng hita ko ang taas nito. I paired it with my red 6 inch heels. I just let my wavy blond hair to flow on it's own. Nag makeup rin ako, some silver eyeshadow, nose line, right amount of blush on, mascara, eyebrow and my sexy red lipstick. Sa nakalipas na 3 taon ko sa modeling natutunan ko na rin ang  mag makeup mag-isa. With my red pouch with me lumabas na rin ako sa kwarto ko. Nakita ko kaagad si yaya Maddy na naghahanda ng breakfast.



"Good morning Driss, kain ka na, baka malate ka, first day of school pa naman" Sabi ni yaya.



Isa sa mga na bago sa'kin ay ang hindi na pagkain ng breakfast. Okay na ako sa bread at juice, yun nalang kasi ang madali kung makain nung nagsisimula pa ako sa modeling career ko, parang lagi akong may hinahabol na oras. Ayoko namang sayangin ang effort ni yaya Maddy kaya umupo nalang ako sa upuan at nagtanong ng makakain.



"What's for breakfast yaya Maddy?" Tanong ko.



"Tumawag ako sa mommy mo kanina para itanong kung ano ang mga kinakain mo tuwing breakfast doon. Sabi niya hindi ka na raw kumakain ng breakfast sa L.A dahil sa mga early schedule mo pero pag may time ka daw itong mga to ang kinakain mo. Nagluto ako ng bacon, garlic rice at nag timpla rin ako ng gatas para sayo." Nakangiting sabi ni yaya. I really appreciate her effort on asking mommy about what I usually eat in breakfast. Pwede niya naman akong lutuan ng kahit ano but she still did make a huge effort for me.



"Thank's yaya, kain ka na rin po sabay na tayo, tawagin niyo na rin po ang iba." Sabi ko sa kanya. Ang pangit naman kasing tignan kung ako lang ang kumakain sa malaking lamesa rito habang ang iba ay naghihintay kung kailan ako matatapos tsaka ayoko rin mag-isang kumain, malulugkot lang ako at maaalala sina mommy at daddy na lagi kung kasama sa pagkain ng agahan.



Ngumiti si yaya sa'kin saka isa-isang tinawag ang mga kasambahay namin ati na rin si manong Gilbert at ang mga security guard sa gate. Sabay-sabay kaming kumain ng agahan habang nagkwe-kwentuhan.

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now