Chapter 2||Hurt

109 9 2
                                    

DRISS



Class hour na pero naglalakad parin ako sa hallway. Hindi pa rin ako bumabalik sa loob ng room pagkatapos kung tumakbo paalis, bahala ng maka-absent ako. May naririnig pa akong mga bulong-bulongan nang mga estudyante sa gilid habang nakatingin sakin. Nakayuko lang ako habang naglalakad nang biglang may humarang na tatlong pares ng sapatos sa dinaraanan ko.



It's the mean girls. AGAIN.



Well, hindi naman talaga 'mean girls'  ang pangalan ng groupo nila, gusto ko talaga silang tawagin ng ganun. Eh kasi naman, ang sasama ng mga ugali 'kala mo sinong magaganda ang lalaspag naman ng mga ugali. Tinignan ko sila sa mukha, naka taas ang mga kilay nila na parang kinaganda naman nila yun. Nagsalita ang leader nila na si Wyswig Branzuela ang Campus sweetheart ng University.



Tss. Campus Bitch siguro.



"Ang kapal rin naman nang mukha mong maglakad-lakad dito sa hallway pagkatapos ng ginawa mo kay Draxx baby namin."Sabi ni Wys sakin na halatang galit.



Isa pa tong babae nato na sobrang patay na patay kay Draxx eh. Pag-uumpugin ko kayong lahat eh!



"Una sa lahat, hindi makapal ang mukha ko, wala ng mas hihigit pa sa kakapalan ng mukha mo. Pangalawa, nakasulat sa Human rights na karapatan ko bilang isang tao ang maglakad, kaya kung may problema saka sa ginagawa ko ay aba, pumikit ka. At pangatlo, wala akong ginawa sa kay Draxx, siya nga ang nang loko sakin eh, kaya wag mo akong pag bibintangan."Galit na sabi ko.



Hindi ko na talaga kayang itago ang galit ko. Bakit ba ako ang sinisisi nila sa nangyari kay Draxx eh kasalanan niya rin naman yung nangyari sa kanya.Kulang pa nga ata ang bugbog na natamo niya sa mga kapatid ko eh kesa sa sakit na pinaramdam niya sa'kin. 



Halatang gulat silang tatlo at ang mga ibang estudyante sa nakarinig sa sinabi ko, ngayon lang kasi ako naglakas loob labanan sila. Unang naka bawi Wys sa gulat saka ako tinaasan ng kilay at dinuro-duro.



"So lumalaban ka na? Ha?! Tignan natin ang tapang mo."Sabi ni Wys.



Kunot noo ko silang tinignan habang may kinukuhang mga supot sa bag na dala-dala ni Charlotte. Agad nanlaki ang mata ko ng makita ang mga laman dun. Hindi kaagad ako nakakilos ng isa-isa nila ako binato ng mga itlog, kamatis, harina, at iba-iba pang mga dala nila. 



Lahat nang mga estudyante kanina na nakikinig lang ay na kikibato na rin. Nasasaktan ako sa mga binabato nila lalo na ang mga itlog at kamatis. Ang ibang estudyante na dumadaan ay natatawang tumitingin sa'kin, ang iba naman ay tuwang-tuwa habang kinukunan ako nang picture at video. Wala man lang tumulong sa'kin.

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now