Chapter 26|| Birthday

27 3 0
                                    

DRISS



Nakangiting iminulat ko ang mga mata ko saka masayang nag-unat. This will be a happy day for me. Agad akong bumarap sa vanity mirror sa kanang bahagi ng kwarto ko kung saan makikita akong nakaupo sa kama.



"Happy birthday self!" Nakangiti kung bati sa sarili.



It's my 22nd birthday today! Sino ba namang hindi masaya pag birthday nila diba? My brothers promised to come home today same with my parents kaya yun na lang ang saya ko ngayong araw. I really missed them. Na miss ko na yung mga panahon na completo kaming nagtatawanan sa hapag kainan. Miss ko na yung mga panahong pinag luluto ko sila ng cakes na gawa ko lalo na pag nag-aaway si kuya Quiro at kuya Alvis sa kung sino ang makakakuha ng malaking parte sa cake pero at the end si mommy talaga ang nagwawagi para hindi na daw mag-away ang dalawa. I missed those days. 



Agad na akong bumangon at dali-daling pumasok sa banyo para maligo. It took me 30 minutes before I stepped out in the comfort room wearing only a white towel on my body. Naglagay muna ako ng lotion sa katawan bago namili ng susuotin ngayon sa school. I just pick a light pink off shoulder satin and lace applique dress ending above my knees. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng sunod-sunod itong tumunog. Agad ko itong nilapitan saka napangiti ng makita ang mga greetings ng iba't ibang tao sakin sa social media. Nasa mga greeting pa ang tingin ko ng lumabas ang pangalan ni kuya Matt sa caller I.D na mas ikina laki ng ngiti ko.



"Good morning kuya!" Masayang bati ko.



"Good morning Driss." Bati rin nito sa'kin.



"Anong oras lalapag ang eroplanong sasakyan mo kuya? Baka vacant ko yun at makasama pa ako sa pagsundo sayo mamaya sa airport." Nakangiting sabi ko pa. Narinig ko naman ang buntong hininga ni kuya Matt sa kabilang linya na ikinakunot ng noo ko.



"I'm really sorry sweety but I can't make it to your birthday today." Para naman akong nabingi sa sinabi niya.



"Why?" Mahinang tanong ko pero puno ng hinanakit.



"Naipit kasi ako sa biglaang meeting para sa opening ng bagong branch natin sa San Francisco eh. Hindi naman ako maka-angal dahil ang shipments ng mga gamot ang pag-uusapan namin mamaya. I'm really sorry sweety. Ipapadala ko nalang diyan ang regalo ko sayo. Happy birthday." Agad ko nalang tinapos ang tawag ni kuya Matt pagkatapos niyang bumate. I feel sad all of a sudden pero agad rin namang nawala yun ng lumitaw ang pangalan ni kuya Quiro sa caller I.D.



"Kuyaaa!" Masayang bungad ko.



"Hey Driss." Napakunot naman ang noo ko ng marinig ko siyang umubo.


The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now