Chapter 13|| First day

70 5 0
                                    

DRISS



Naglalakad na kaming tatlo nina Zed at Kris. Akala ko nung una ay tahimik at mahiyain na tao si Kris pero mali pala ako! Na scam ako! Kanina pa siya nagsasalita ng kung ano-ano in other words 'NAPAKA-DALDAL NIYA'. Hindi naman sa nakakairitang pakinggan pero naiingayan na talaga ako sa kanya eh, kaya nagsalita na ako para matahimikin siya.



"Kris, hindi ka ba napapagod kakadada mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman ito saka ngumiti.



"Nope, bakit? Naiingayan ka na ba?" Tanong nito.



"Yup!" Direktang sabi ko. Akala ko tatahimik na siya pero bumwelo na naman sa pagsasalita. Nako po!



"May mga clubs ba dito Zed?" Tanong ni Kris kay Zed na tahimik na naglalakad sa likod namin.



"Keigh nalang ang itawag mo sa'kin, at saka tungkol sa mga club? meron naman." Sabi nito na ikinatango lang ni Kris. Dahil sa sinabi ni Zed ay muli kung naalala ang pangalan niya. 



"Bakit pala hindi mo sinabi sakin ang first name mo?" Takhang tanong ko. Nag-aalinlangan naman siyang sumagot pero sa huli ay sinabi niya rin sa'kin ang rason niya.



"Gusto ko lang kasi na tawagin mo akong Zed instead of Keigh or Keighfer." Sabi nito sabay kamot sa batok niya. Tumango lang ako sa sagot niya. Nagsalita na naman ulit si Kris.



"Kaya pala ayaw mong tawagin kitang Zed dahil gusto mo si BFF ko lang ang tumatawag nun sayo? Tch. Di tayo bati." Inis n sabi Kris kay Zed saka ito binilatan. "Bes may club ka ba'ng gustong salihan?" Tanong ni Kris. Napa-isip naman ako. Noon kasi, hinanap ko yung club na gusto kung pasukan kaso ang nangyari ay wala. Hindi nag-eexist ang club na gusto ko noon kaya hindi na ako magtataka kung wala na naman akong club na masalihan ngayonG taon.



"Hmm, ewan ko kung meron dito ang club na gusto ko." Sabi ko kay Kris. Oo bes na rin pala ang tawag niya sa'kin, para to sa mga hindi na-inform diyan. Yan parati ang sinasabi niya habang naglalakad kami na kami daw dalawa ay mag 'bestfriend', minsan naiinis nako kasi pauliT-ulit na lang siya pero hindi ko naman magawang magalit sa kanya kaya pinabayaan ko na rin. Well apparently, tinanggap ko naman ang sinasabi nito na maging 'bestfriend' siya. Mabait naman kasi si Kris at napaka jolly rin na tao kaya okay lang.



"Ano ba'ng club ang gusto mo? Baka meron dito, tanong natin kay Keigh." Sabi ni Kris sabay diin sa pangalan ni Zed. Hindi pa rin ata siya nakaka move -on.



"Hmm...Music, gusto kung kumanta at tumugtog ng gitara." Simpling sabi ko.



"Wow! Marunong ka palang kumanta bes? Mag bestfriend talaga tayo! Pareho tayong talented! Don't worry I'll get to know you even more para naman alam ko na ang likes and dislikes ng buhay mo. Meron bang ganung club dito Keigh?" Tanong ni Kris kay Zed habang nakatingin sa'kin. Nang nagtama ang mga paningin namin agad nitong iniwas ang tingin.

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now