Chapter 32|| The Call

44 5 0
                                    

Pasensya na in-advance sa mga salitang mababasa sa baba na hindi inaaprobahan na mabasa ng mga kabataan lalo na yung batang bata talaga. Just don't mind those words guys, wag niyo nalang tandaan o ilagay sa utak niyo. Bad po yun (ChOuR) ~K.


DRISS



Nasa loob na ako ng sasakyan namin ngayon. Tumawag kasi ako kanina kay kuya Matt, sinabi ko na kailangan kung umuwi at wala akong masakyan doon sa Boracay. Nagpadala naman kaagad ito ng private chopper namin kaya naka-uwi kaagad ako. Tahimik lang akong umiiyak sa likod ng sasakyan habang inaalala ang mga sinabi Zed kanina. It really hurts. Lahat ng mga sinabi niya ay sagad sa buto ang sakit. 



I don't get it. Kung narinig niya ang pinag-usapan namin ni Draxx kagabi bakit siya nagka-ganun bigla? Ang sakit malaman na hindi niya pala ako mahal. Ngayon pa talaga niya na-realized na hindi niya pala talaga ako mahal ah. Ngayon na mahal ko na siya. Hininaan ko nalang ang mga hikbi para hindi na gaanong marinig ni manong Gilbert ito. Lumabas kaagad ako ng sasakyan pagka-dating namin sa bahay pero agad rin akong napatigil ng bumungad sa'kin ang seryosong tingin ni kuya Quiro. Agad na napalitan ng galit ang reaksyon niya ng makita ang mukha ko.



"W-What are you doing here kuya?" Tanong ko sabay punas sa mga luha sa mata. He should be in San Francisco right now. Inis naman itong lumapit sa'kin saka ako hinila para ma-yakap.



"Why the hell are you crying again? Who's the fucker that made my little sister cry? I will really break every bones in his body." Galit na sabi ni kuya Quiro habang hinihimas ang likuran ko. Umiling naman kaagad ako saka lumayo sa kanya ng kaunti sa pagkakayakap niya.



"I-It's nothing kuya." Pagsisinungaling ko sabay ngiti. Hinila naman kaagad ako nito papasok sa bahay saka ako pilit na ipina-upo sa isa sa mga sofa sa sala. Kita ko naman kung paano magsi-alisan ang ibang kasambahay namin ng tumingin si kuya Quiro sa kanila. Nang masiguradong wala ng iba'ng tao dun maliban samin ay agad ako nitong tinignan ng seryoso sa mata.



Naka business suit ito habang nakatayo sa harapan ko. Ang dalawang kamay ay nasa loob ng magkabilang bulsa at parang hinihintay akong magsalita. Yumuko nalang ako para hindi na makita pa ni kuya ang mga namumugto kong mata.



"Do you want me to count from one to three for you to tell me the reason of your goddamn tears?" Nahihimigan ko ang pagpipigil sa boses nito na mas ikinatakot ko. Sa apat na nakakatanda kung kapatid, si kuya Quiro talaga ang kinakatakotan ko lalo na pag-galit at seryoso na ito. Mas malala pa itong manirmon kina mommy at daddy saka talaga pangit siya magalit dahil minsan nakakasira na siya ng gamit sa panggigigil. 



"W-Wala kuya. Napuwing lang ako kanina kaya namula ang mata ko kakahagod." Pagsisinungaling ko pa. Rinig ko naman kung paano ito mapaklang natawa.



"Don't say bullshit Driss. Tell me the reason now before I smash something here. My patient is not that long you know that." Banta pa nito na ikina-pikit ko ng mariin. Naghanap kaagad ako ng puwedeng matanong para mawala ang atensyon niya sa sariling tanong.

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now