Chapter 16 - Boogie Wonderland

60 0 0
                                    

Chapter 16 - Boogie Wonderland

Matagal-tagal na rin ang nakaraan mula noong huling magkita si Lala at Badong.

Naging peklat na nga ang sugat niya sa kilay.

Hindi na niya napapansin ito kapag siya ay nagsasalamin.

Huminto na siya sa pagpapalabas sa mga peryahan.

Nakumbinse siya ng mga kasamahan na magtayo ng sarili nilang agency.

Maganda naman ang takbo ng kanilang bagong negosyo.

Malakas ang mga magic shows sa mga corporate events.

Malimit silang maanyayahan at maarkila upang mag-promote ng iba't-ibang produkto.

Madalas na rin siyang makita sa mga TV commercials.

"Lala, nakita mo na ba yung bagong commercial ni Badong?"

"Meron ba?

Hindi kasi ako gaanong nakakapanood ngayon ng TV.

Medyo busy."

Si Lala naman ay parang isinakay sa isang rocketship sa bilis ng kanyang pagimbulog sa larangan ng musika.

Naging bukambibig na ang kanyang pangalan sa labas at loob ng Pilipinas.

May mga alok sa kanya upang magartista ngunit hindi niya matanggap dahil sa dami ng kanyang natanguang okasyon.

Nagaalala na ang kanyang mga advisers, promoters at ahente lalo na ang kanyang .mga magulang at kapatid.

Minsan kasi ay buong araw na siyang natutulog dahil sa labis na kapaguran.

"Badong, Baka mabura na yang tape sa ka-re-rewind.

Hindi ka ba talaga magsasawa diyan?"

"Ikaw ba nagsasawa na sa buhay mo?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin Bro?

Galit ka ba sa sinabi ko?"

"Simple lang.

Alam mo namang si Lala ang buhay ko.

Paano akong magsasawang panoorin siya?

Habang nakikita ko siya ay bumubuti ang pakiramdam ko.

Naliligayahan ako.

Siya ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap.

Malay natin, balang araw ay mapatawad na niya ako?"

"Bakit kasi hindi mo subukang makipagkita sa kanya?

Para malaman mo?

Sa totoo lang, madaling magalit ang isang tao.

At pag galit na ay kung anu-ano ang nasasabi, nagagawa.

Kaya  nga may kasabihan tayong  "na sa huli ang pagsisisi."

"Alam ko ang ibig mong sabihin Bro.

Kaso para namang hindi siya nagsisisi.

Halika panoorin mo ito.

Tignan mo, mukha naman siyang tuwang-tuwa, di ba?"

"E palabas yan e.

I-forward mo doon sa kinakanta niya ang "Bakit Nga Ba Mahal Kita?".

Sige pa. Ooops. Dyan-dyan.

O natutuwa ba siya dyan?

Naiiyak pa nga e. Di ba?

Pira-pirasong Damdamin sa Likod ng Mga AwitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon