Chapter 14 - I Am Blessed

66 0 0
                                    

Chapter 14 - I Am Blessed

"Lala, hindi ka pa ba magpapahinga?

Mag-a-alas dos na ng umaga, hindi ka ba napagod sa concert mo kanina?"

"Sobra nga akong napagod Ate Raqs, kaya siguro hindi ako makatulog.

Ikaw bakit hindi ka pa nagpapahinga?"

"Alam mo namang wala akong trabaho ngayon.

Kaya ako na muna ang magbabantay at aasikaso sa iyo."

"Maraming salamat sa pagaalala Ate.

Talagang kailangan ko ngayon ng makakasama.

Pagkatapos nang nangyari kay Badong ay nagkataon namang sunod-sunod ang mga gimik ko. Minsan gusto ko nang sumuko.

Magpahinga.

Magpanibago ng lakas."

"Pero Lala, ang tanda ko ikaw ang humingi nitong hectic na schedule.

Bakit parang nagsisisi ka ngayon?"

"Gusto ko kasing maging busy Ate.

Kasi kung wala akong ginagawa ay pumapasok sa isip ko si Badong."

"Masama ba yun Lala? Ayaw mo ba siyang naiisip?"

"Alam mo naman ang mga plano ko sa buhay Ate.

Marami pa akong gustong gawin, gustong ipagawa, gustong marating, gustong maangkin, gustong.... Ahhh!!

Ano ba ito?

Ni hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

Lagi na lang si Badong ang naiisip ko.

Kahit na anong gawin ko naaalala ko siya.

Lagi siyang naandoon, sa lyrics ng kanta, balita sa TV, sa radyo, sa dyaryo, sa tasa ng kape.

Pati sa tabo ko sa CR siya pa rin ang nakikita ko."

"Ganun?

Baka kaya ipinakukulam ka na ni Badong a?

Gusto mo bang ipatawas kita?"

"Hi hi hi hi. Hindi naman ganun Ate.

Alam mo Ate, noong naandoon tayo sa kanila.

Noong naguusap kaming dalawa.

Hinawakan niya ako sa kamay.

May naramdaman akong kakaiba.

Yung init ng kanyang palad ay parang alon ng dagat na unti-unting yumayakap sa aking buong katawan.

At sa bawat haplos nito sa aking katawan ay unti-unting nawawala ang aking mga pangamba.

At nang titigan ko siya ay nakita ko ang isang ngiti na noon ko lamang nakita sa kanya.

Para niya akong niyayayang maglaro, magtampisaw, maligo, lumangoy, magpakatotoo, magmahal, umibig.

Ate, noon ko nalaman kung ano siya sa akin."

"Ano siya sa iyo, Lala."

"Ate Raqs, siya ang buhay ko.

Hindi ko kayang mawala siya sa akin."

"Hmmmm.

E Lala, yung ginawa mo.

Yung pagkuha mo sa kutsilyo.

Totoo bang alam mong peke yun?"

"Hindi Ate."

Pira-pirasong Damdamin sa Likod ng Mga AwitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon