Chapter 12 - On The Wings of Love

51 0 0
                                    

Chapter 12 - On The Wings of Love

"Ano ang ibig ninyong sabihin Mare?

Anong panapanahon?

"May panahon para magtanim.

May panahon para umani.

May panahon para mabuhay.

May panahon para mamatay."

Napakunot noo si Lala sa mga narinig.

Tumayo ito at dali-daling pumasok sa bahay nina Badong.

Naguunahan namang sumunod ang mga kaibigan.

"BADONG!!!  Anong ginagawa ninyo!!?"

Nakita ng mga magkakaibigan na nakahubad si Badong na naka-upo sa kama habang yakap-yakap ng isang babae.

Nabiglang napalingon sa kanila ang babae.

Siya ang babaeng madalas na sumusundo kay Badong.

"Anong ginagawa ninyo?"

"Lala."

"Bukas na bukas yung pinto. Bakit hindi man lang ninyo isinara?"

"Lala."

"Wala man lang kayong delikadesa.

Ang halay-halay, may mga bata pa naman dito."

"Lala. Tinutulungan lang niyang bihisan si Badong."

"Ha? O e kahit na. Bakit hindi sila magsara ng pinto?"

"E, baka kasi mas pag-isipan ng iba ng masama kung magsasara sila ng pinto habang nagbibihisan, di ba?"

"E, bakit siya ang nagbibihis kay Badong e may mga lalake naman dito a?"

"Weeeeh. Sino namang lalake ang magbibihis kay Badong?

Hindi ba mukhang mas mahalay yon?"

"Hmmmp!! E bakit kasi buhay pa yan?

Hindi ba dapat patay na yan?"

"LALA?!!!" Sabay-sabay na nasambit ng mga miron.

"O bakit, hindi ba totoo?

Ano siya, Hari Ng Sablay?

Gaano ba kahirap ang magpakamatay?

Sa totoo lang nagdududa ako kung nagpakamatay nga yang Badong na yan e.

Ano Badong, nagpakamatay ka ba o nagpapakakikay ka lang?

Ano? Bakit hindi ka sumagot?"

Sa halip na sumagot ay napatingin si Badong sa isang kutsilyo na nakapatong sa mesang nasa tabi ng kanyang higaan.

Matagal.  Nagtiim ang mga bagang. 

At sabay sa pagyuko ng kanyang ulo ay tumulo ang kanyang mga luha.

Maya-maya ay kinuha niya ang kutsilyo at nangangalit ang mga matang tumingin kay Lala.

Nabigla ang mga nakamasid.

Napatayo ang dalagang nagbibihis kay Badong.

"Oo Lala, nagpakamatay ako.

Pero pasensya ka na kung sumablay ako.

Nagtiwala kasi ako sa mga sinabi sa akin ni Kabs.

Pero ngayon kung sumablay pa ulit ako ay pasyensyahan na lang tayo.

Marahil ay talagang wala pa akong lugar sa impyerno."

Hinawakan ni Badong ng dalawang kamay ang kutsilyo.

Pira-pirasong Damdamin sa Likod ng Mga AwitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon