Chapter 8 - Too Much Heaven

70 0 0
                                    

Chapter 8 - Too Much Heaven

"Badong, kanina ka pa ba diyan?"

"Kani-kanina lang Lala. Bakit ka lumabas, may pupuntahan ka ba?"

"Wala naman Badong. May idadaan daw dito si Jes.

Napansin kong may tao dito sa labas, ikaw pala."

"Ano naman ang naramdaman mo ngayong nakita mong ako lang pala?"

"Anong ikaw lang pala?

Hindi ko gusto 'yang timpla ng pagtatanong mo ha.

Bakit hindi ka nag-door bell para napag-buksan kita ng pinto?"

"Nakita ko si Jes na nag-paparada ng sasakyan niya.

Naisip kong baka dito siya pupunta. Kaya....."

"Good evening Lala.

Medyo na-trapik ako kaya ngayon lang ako nakadating."

"Ok lang Jes. Halika. Pasok kayo."

"Hindi na Lala.

Tamang-tama, paalis na rin naman ako.

Sige, goodnight Lala."

"Sigurado ka Badong?"

"Oo Lala, may aasikasuhin pa kasi ako."

"Badong, ako nga pala si Jes. Kumusta ka pare?"

"Ayos lang ako pare.

Matagal na kitang kilala.

Isa ako sa mga taga-hanga mo.

O sige, tuloy na ako. Lala. Jes."

Hinintay ni Badong na makapasok ang dalawa hanggang sa magsara ang pintuan.

Maya-maya ay naramdaman niya ang isang pamilyar na dantay ng kamay sa kanyang bisig.

Sa kanyang paglingon ay nasilayan niya ang mga mata at ngiti na paulit-ulit na nagbibigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na kapayapaan.

"Kuya Badong, anong nangyari?

Bakit ka pinagsarhan ng pinto?"

"Uy Lala_Hurray kumusta ka?

Hindi naman ako pinagsarhan ng pinto.

Napadaan lang ako talaga kaya hindi na ako tumuloy."

"Ha ha ha ha.

Si kuya talaga hanggang ngayon hindi pa alam ang totoong pangalan ko.

Ha ha ha ha."

"Anong hindi. Iyan ang gusto mong palayaw kaya iyan ang itatawag ko sa iyo."

"Sige nga, ano ang totoong pangalan ko?"

"Alam mong alam ko.

Kaso sa iyo dapat manggaling kung ano ang gusto mong itawag sa iyo.

Siyanga pala nabasa ko yung artikulo mo tungkol sa alkansiya mo kaya mayroon akong ipapayo sa iyo."

"Ano yun kuya?"

"Ang alkansiya ay para sa mga barya.

'Wag mong hahaluan ng luha at baka kalawangin ang mga naipon mo."

"Madali lang sabihin iyon kuya. Ikaw ba, saan mo inilalagay ang mga luha mo?"

"Alam mo, ibinigay sa atin ng Diyos ang kakayahang lumuha upang lunurin at hugasan ang ating kalungkutan.

Hindi upang gamiting palatandaan ng anumang kirot o dalamhati.

Katulad ng tubig-panlaba ang luha ay dapat lamang na ibuhos, itapon at kalimutan kapag napakinabangan na."

Pira-pirasong Damdamin sa Likod ng Mga AwitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon