Chapter 9 - Di Ko Kayang Tanggapin

56 0 0
                                    

Chapter 9 - Di Ko Kayang Tanggapin

"Bro Badong, ok ka ba?"

"Oo, Bro Korex. Ayos lang ako.

Lalo na at ganito kaganda ang gabi.

Ikaw kumusta ka?"

"Ayos din ako Bro.

Dahan-dahan ka lang muna sa mga toma-dachi at wala pa tayong mapupulutan.

Hintayin mo 'yung mga nilulutong mga lapang-lapangs.

Mabuti na 'yung may latag ang ating mga bituka para mas maganda ang kwentuhan."

"Sino nga pala ang nakaisip nitong night-out ng mga barakodas?

Ano daw bang adyenda?"

"Si Bro Casper. Para daw magkasama-sama naman tayong mga barakodas ng HQ bilang paggalang sa nagdaang kudeta.

Bonding daw muna tayo bago harapin ang bagong simula."

"Bakit nga ba nag-kudeta si Dra. Ross?

May issue ba sila ni Casper?

"Wala naman ata.

Medyo nalibang lang si Casper.

Nakalimutang mag-schedule ng eleksyon."

"Ganun ba? O e 'musta naman si Casper?"

"Oks lang. Mukha ngang nabunutan ng tinik sa leeg.

'Lam mo na, busy din naman yung tao."

"O, ayan na sila, ang daming dalang lapang-lapang.

Dali mga repa-pips at nang makapag-umpisa na tayo."

"Anong makapag-umpisa e mukhang malayu-layo na ang nabibiyahe mo.

May problema ka ba Badong?"

"Hayaan mo na lang siya Bro Diehard.

Alam mo namang nasa labas ng bansa si Idol kaya natural lang na magtampisaw 'yan sa agua-de-kalimot."

"Agua-de-kalimot?   O baka agua-bendita?"

"Ha ha ha ha ha."

"E ano naman ang kaibahan noon Badong?

Sa mapaloob o mapalabas ng bansa si Idol e bihira na rin naman kayong magkita di ba? Magkaiba ang mga gimik ninyo.

Madalas na rin naman ang mga pa-enkyang mo.

Noong isang linggo lang napanood ka pa namin sa TV. Hindi ba mga repa-pips?"

"Ha ha ha ha."

"Si Bro Casper talaga ang lakas mangulit."

"Anong programa nga ba natin siya napanood?"

"Sa TV Patrol, Bro Nixter.

Nasangkot sa rambolan sa loob ng simbahan.

Ano nga ba ang nangyari Badong at sa simbahan ka pa nakipag-bakbakan?

Lasing na lasing ka daw.."

"Oo na, naka-inom ako talaga, pero hindi ko gusto ang nangyari.

'Yun nga, nalulungkot ako at nasa labas ng 'Pinas si Lala.

Dumaan ako sa bar.

Naparami ang inom.

Lungkot na lungkot pa rin.

Kaya nagdaan ako sa simbahan para sabi nga e humingi ng tulong sa Panginoon.

Nagdarasal ako, tapos may tumabi sa aking ang lakas ng putok.

Pira-pirasong Damdamin sa Likod ng Mga AwitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon