Chapter 15 - Waray Waray

183 0 0
                                    

Chapter 15 - Waray Waray

"Lala, Badong, totoo bang kayo na?"

"Inamin ko kay Badong kung gaano siya kahalaga sa akin."

"Napakagandang simula para sa aming dalawa ang maunawaan namin kung ano kami sa isa't isa.

Ipinaliwanag sa akin ni Lala na nasa aming dalawa ang kahahantungan ng pagkakaunawaan namin.

Napagusapan namin na kung mayroon mang madapa o magkamali sa amin ay..."

"Kung ako ang magkakamali ay ipinangako ni Badong na tutulungan niya akong makabangon.

At kung siya naman ang madapa ay pasyensyahan na lang kami dahil aapakan ko siya sa leeg."

"Ha? May ganun?"

"Joke, joke, joke.

Lagi ka na lang bang seryoso Badong?

Baka naman hindi na natin makuhang ngumiti niyan ha?"

"Hindi naman Lala.

Dala na rin siguro ito ng trabaho ko.

Alam mo na, hindi ako maaaring magkamali dahil walang second chance sa ibabaw ng entablado  para sa aming mga madyikero.

Ang pagkakamali ay hindi malilimutan ng mga nanonood.

Sa isang pagkakamali ay hindi ka na magiging kapani-paniwala.

Maari mong daanin sa patawa-tawa at maaari ka pang palakpakan.

Pero hindi ka na madyikero, isa ka ng komedyanteng pulpol."

"Ang ibig bang sabihin niyan Badong ay hinding-hindi mo lolokohin si Lala?"

"Oo naman.

Ano ang mapapala ko sa panloloko sa kanya?

Siya ang buhay ko.

Minsan ko nang...."

"Badong, tama na.

Tapos na yun.

'Wag na nating balik-balikan pa.

Ang mahalaga sa atin ngayon ay ang kinabukasan dahil magkasama nating haharapin ito.

Kaya please, erase, erase, erase. Ok ba?"

"Oo Lala." At Napayuko na lang si Badong na para bang hiyang-hiya.

"Ano ba kayong dalawa?

Mahirap ang magkaroon ng perpektong pagsasama.

Dapat ay malaking pangunawa at mas malaking pagpapatawad.

Give and take."

"Ay naku Lorna, hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaari iyan.

Nakita mo ba ang nangyari kay Paquiao.

Give and take.

Give and take.

Yun na-taken away tuloy yung korona niya."

Pira-pirasong Damdamin sa Likod ng Mga AwitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon