Chapter 10 - And I Am Telling You I am Not Going

70 0 0
                                    

Chapter 10 - And I Am Telling You I am Not Going

"Lala, kung hindi mo matanggap ang aking pag-ibig, maaari ko bang malaman kung may nag-mamay-ari na sa puso mo?"

"Badong, wala na ba tayong maaring pag-usapan kung hindi iyang pag-ibig pag-ibig na yan? Nakakauta na e."

"Lala, 'wag mo naman akong sisihin kung nangungulit ako?

Tuwing napapanood kitang kumakanta na may kasama.

Gusto kong dukutin ang mga mata ko para hindi ko na makitang may kahawak ka ng kamay.

May braso na nakapulupot sa iyong bewang o naka-akbay sa iyong balikat.

Habang malagkit kayong nag-tititigan, nag-ngingitian.

Halos mag-halikan na sa lapit ng mukha ninyo sa isa't isa."

"Badong, binibigyan lang namin ng buhay ang mga kantang ina-awit namin.

Trabaho lang, walang personalan."

"Bakit hindi rin natin bigyan ng buhay ang ating kwentuhan?

Katuwaan lang, wala ding personalan."

"Badong, magmula noong ipinaalam mo sa akin na nanliligaw ka, nag-iba na ang pagtingin ko sa iyo."

Lumakas ang tibok ng puso ni Badong, naririnig na niya ito.

Palakas ng palakas.

Nakakabingi.

Nalito si Badong.

Pinilit niyang ngumiti at halos pabulong na nagtanong.

"Bumuti ba o sumama?"

"Para sa akin ay nagsisimula pa lamang ang panliligaw mo Badong.

Wala akong mapag-kukumparahan para masabi ko kung bumuti o sumama."

May himig ng pagkainis ang tinig ng dalaga.

Lalo namang natuliro ang binata.

Lumikot ang mga mata na para bang naghahanap ng masasabi sa mga dingding na nakapaligid sa kanila.

"Paano yung mga nakaraan natin?

Hindi mo ba maaring gawing pamantayan ang mga iyon?"

"Papaano kong gagawing basehan ang nakaraan natin kung para sa akin ay laru-laro lamang ang mga iyon.

Mga bunga ng ating kamus-musan.

Walang malisya.

Walang tama.

Walang mali."

Nanuyo ang lalamunan ni Badong.

Naningkit ang mga mata.

Nakikita niyang unti-unting gumuguho ang kanyang mga pangarap.

Bale wala lang pala ang kanyang mga pinanghahawakan nakalipas nila ni Lala.

Inaakala pa naman niyang 'yun lang ang maaari niyan ilamang sa mga makakaribal sa puso nito.

"Sayang naman ang mga panahong pinagdaanan natin.

Sabi mo nga busilak pa ang ating mga isipan noon.

Puro katotohanan.

Walang pag-kukunwari.

Sasayangin mo ba 'yung mga 'yun, Lala?"

"Hindi masasayang ang mga 'yun.

Nakaukit na sa puso't isipan ko ang mga ito at hindi na kailanman mawawala.

Pira-pirasong Damdamin sa Likod ng Mga AwitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon