Chapter 3 - As If We Never Said Goodbye

99 0 0
                                    

Chapter 3 - As If We Never Said Goodbye

"Nenen, salamat sa pagtulong mo sa akin sa pag-pa-pa-enroll ha. 

Kung hindi sa tulong mo baka sa isang linggo pa ako matatapos."

"Wala yun Lala. Bilib nga ako sa yo e.

Ang galing mong sumingit at mambalya sa pilahan."

"Praktisado kasi ako sa palengke. 

Kunti na nga lang ang pera ko, 

kung hindi pa ako manggugulang sa pila e di puro lanta at bilasa na lang ang mabibili ko."

"E, paano mo ba nasingitan yung lalaki kanina sa kuhaan ng ID?"

"Kinalabit ko sa puwit, 

tapos paglingon niya, 

boom, andun na ako sa unahan niya."

"Yun ba ang dahilan kung bakit muntik nang magkagulo?"

"Syempre gustong umangal, 

kinalabit din ako, 

kaya tinarayan ko, 

sabi ko 

     'Hoy totoy wag kang bastos ha. 

     Kung nangangati yang tumbong mo,

     kamutin mo, wag ako.'

Hihirit pa sana, 

kaso napansin niyang nakatingin na sa kanya lahat."

"Naku papano kung balikan ka noon?"

"Hindi na ako makikilala nun. 

Kasi pinalaki ko yung mata ko at butas ng ilong ko.

Pinangiwi ko yung bibig ko. 

At saka yung dakdak ko talsik laway kaya papikit-pikit pa siya. 

At sa hiya niya, iwas tingin sa akin at sa mga tao. 

E papaano n'ya pa ako makikilala."

"Pero kahit na, baka nakilala ka pa rin niya."

"Wag mo nang alalahanin yun, Nenen. 

Alam mo, ang mga tao dito sa Maynila at sa probinsiya pare-pareho lang. 

Madali nilang makalimutan ang ayaw na nilang matandaan pa. 

Sa amin nga iilan-ilan lang ang mga tao e nagagawa ko pa yung ganun. 

Minsan nga sa akin pa nila naikukuwento na tinarayan daw sila ng isang babaeng halimaw."

"Hay naku ewan. Basta bilib ako sa lakas ng loob mo."

"Sa totoo lang, takot na takot din ako kanina. 

Kaya nga ang laking pasalamat ko at sinamahan mo ako. 

Pero noong naandoon na ako, napansin ko matira ang matibay, 

Yung iba nga gumagamit pa ng payong para lang makasingit. 

Yung iba naman ang tutulis at ang titigas ng mga bra, ang sakit pag-nadunggol ka. 

Yung iba naman naka-bakya, durog yung kuko mo sa paa pag-naapakan ka. 

Talaga naman, kanya-kanyang diskarte. 

Yung mga lalaki naman kadalasan mapagbigay talaga. 

Ngiti-ngitian mo lang, 

Pira-pirasong Damdamin sa Likod ng Mga AwitinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon