I Don't Kill Them!

1.3K 16 0
                                    

"Matapos ang mahabang pag hahanap nakita din sa wakas ang sikat na olympic shooter na si raiko kang sa kanyang pinagtataguan. Nabalitaan na siya ang itinuturong suspek sa pag patay sa kanyang magulang at dalawang magkapatid. Napag alaman din na ang baril na ginamit sa pag paslang ay ang kanyang baril na nakita sa di kalayuan sakanilang bahay. Nalaman din ng mga pulis na bago umalis si raiko kang patungong vietnam para sa olympic ay nagkaroon muna sila ng hindi magandang pagkaunawaan  ng kanyang mga magulang." Sabi sa balita.

Tinigna si raiko kang ng isang pulis na umusig ngayon sakanya. Umupo ito sa harapan niya at huminga ng malalim bago ito mag salita. "Kung ako sayo mag salita kana!" Sabi pa nito sakanya.

"Bakit ba ayaw niyong maniwala! Hindi ko kayang patayin ang magulan ko! Lalo na ang mga kapaytid ko!" Sabi niya dito

"Lahat naman ng kriminal na tulad mo yan ang sinasabi! Wala na ba talaga kayong ibang sasabihin bukod sa pareparehong dahilan!"


"Totoo ang sinasabi ko! Umuwi ako ng wala na silang malay! Wala ng buhay! Yun ang totoo"


Lumapit ang pulis sa camera na nakatutok sakanila at ibinaba iyon ng walang anu-ano'y bigla siya nitong sinaktan. Tadyak, suntok, batok at kung ano ano pang pananakit. Hanggang sa ibinalik siya sa kanyang silid. Lumipas ang mga araw hanggang tumuntong na sa huling paghatol.

"Ikaw Raiko Kang ay pinapatawan na pang habang buhay na pag kakakulong sa dahilan ng pag paslang sa sarili mong pamilya" sabi ng korte. Tinignan niya ang abugado niya.

"Huwag kang mag alala aapila tayo!" Sabi nito sakanya.

Ilang araw ang nag daan napawalang bisa ang hatol kay raiko kang nakauwi siya sa tahanan nila. Ngunit isang madilim, tahimik at lungkot ang bumungad sakanya. Hindi na nag tangkang bumalik si raiko sa olympics, hindi na din siya nag lalalabas ng bahay. Dahil pinag titinginan at nilalayuan siya ng mga tao. Na kala mo ay may malalang sakit.

Isang bangungot kung ituturing pero ito na ang nangyayari ngayon. Nakakapagod na ayoko na! Mga kataga na pumasok sa isip ni raiko. Mga kataga na kahit na sinong mahina na tao ay sinasabi ito. Mga nawawalan ng pag asa at lalo na ng tiwala sa sarili nila.

W "Two Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon