Hangover vs. Problem

728 10 3
                                    

Isang mainit na pakiramdam mula sa ulo ni raiko kasabay ang pananakit ng ulo niya na may halong kirot sa kanang kamay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang mainit na pakiramdam mula sa ulo ni raiko kasabay ang pananakit ng ulo niya na may halong kirot sa kanang kamay niya. Napamulat siya unti unti at ng magising ng husto ang diwa ng binata nakita niya ang isang puting kisame ng kanyang pent house. "Ahhh....!" Napatingin siya sa kanasng kamay niya at sabay kunot ng makitang may gasa na ito.

"Gising kana pala!" Bungad ng kanyang kaibigan na si tyler na nakatayo sa may gilid ng kama ni raiko.

"Hindi naman sa pinakekelaman ko ang ginawa mong pag lalasing kagabe pero sana hindi ka na nag basag ng comic picture natin sa opisina mo! Nagalit ang tito mo sa ginawa mo!" Sabi pa niya sa kaibigan niya na ngayon ay nakaupo at sapo sapo ang kanya...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hindi naman sa pinakekelaman ko ang ginawa mong pag lalasing kagabe pero sana hindi ka na nag basag ng comic picture natin sa opisina mo! Nagalit ang tito mo sa ginawa mo!" Sabi pa niya sa kaibigan niya na ngayon ay nakaupo at sapo sapo ang kanyang ulo na sumasakit dahil sa hangover.

"Ano bang bago! Magagalit din naman siya kahit hindi ko ibinato iyon sa sahig iyon!" Sagot ni raiko sa kaibigan na nakahalukipkip at bakas ang pag aalala sa kaibigan. Napatingin siya sa kamay na may gasa at tumingin kay tyler.

"Nasugat ka sa pag basag mo sa picture frame na ibinato mo sa sahig kagabe. Siguro nahiwa ka ng hindi mo napapansin! Si sachi nga pala nag aalala sayo!" Sabi ni tyler kay raiko

Tumayo si raiko at kinuha ang roba niya na nasa upuan malapit sa kama niya at isinuot ito at dirediretso sa pag lalakad. Samantalang ang kaibigan naman niya ay sinundan siya ng tingin na may halong pag tataka sa kanyang mukha.

"Teka huwag mong sabihin!?"

Lumingon si raiko sa kaibigan niya at ngumiti siya dito "kailangan kong pumasok may appointment pa tayo na dapat puntahan. Tawagan mo si sachi sabihin mo sa opisina nalang tayo magkitakita." Yun lamang ang sinabi niya at nag simula ng pumasok sa loob ng banyo.

Pagka sara ng pinto agad niyang tinignan ang sugat niya sa kanang kamay niya. Tinanggal niya ang gasa at nagulat siya ng makita ang tahi ng kanyang sugat. "Teka hindi naman marunong mag first aid si tyler!" Inalala niya ang mga nangyari ng makarating sila sa pent house ngunit hindi pa rin niya kayang halungkatin ng husto dahil sa sumasakit lamang ang ulo niya sa hangover na meron siya ngayon. "Ughhh... Kainis!" Nakarinig ng katok si raiko mula sa labas ng banyo "bakit?" Sigaw niya sa taong kumakatok.

W "Two Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon