Favor

372 8 0
                                    

Habang binabaybay ni deon at raiko ang papuntang ospital tumunog ang cellphone ni raiko. Kinuha niya ang blutooth earphone at sinagot niya ang tawag. Bago niya sagutin ito ay sinilip muna niya sa rearview mirror si deon at ipinaling na ang paningin sa daan ng makita itong busy sa cellphone.


"Hello!?"







"Hello sir raiko may balita na po!"










Napatingin si raiko ng pasimple kay deon ganoon pa rin ito busy sa cellphone muli niyang itinuon ang tingin sa daan. "Make it sure na good news yan detective!"








"Opo sir.!"








"Sige mag kita nalang tayo sa prisinto!" Sabi ni raiko. Itinabi ni raiko ang kotse sa may bus stop. Takang napatingin naman si deon ng huminto sila doon. Napatingin si deon sa amo na kaibigan din niya at ng kambal niya. "Can you do me a favor?" Tanong ni raiko sa binatang katabi sa kotse.








"Ano naman iyon?"










"Ikaw na ang mag sabi kay maddie na niyayaya ko siyang kumain sa labas mamayang gabi 8pm sharp sunduin mo na rin siya ayos lang ba?"











"Wala namang problema sakin iyon! Yun lang ba?"









Napangiti bigla si raiko ng itanong ito ni deon sakanya. "Sa totoo lang meron pa!" Sabi niya dito. Nag buntong hininga muna siya at tiyaka niya sinabi ang karuktong "pwede bang mag lakad ka nalang papuntang ospital! Tutal naman malapit na iyon dito!" Sabi ni raiko









"Wow! Ikaw na tong humingi favor ahh tas ako pa pag lalakarin mo raiko hindi pabor yun utos yun!" Pag lilinaw niya dito.






Tinawanan siya ni raiko at tumingin sakanya "hahahahaha... Sira tawagan mo si mr. Song sabihin mo hilahin ang kotse mo papunta dito! Hindi naman ako sira para pag lakarin ka!" Itinuro ni raiko ang sign board " tignan mo 5 kilometro pa ang layo ng ospital mula dito, kung palalakarin kita papunta doon baka pag kamalan kang pasyente ng mga doktor doon!" Dugtong pa niya dito.







"Hay ewan! Sige na! Ingat ka!" Bababa na sana ito ng maalalang hindi nga pala niya alam kung saan ito pupunta! "Teka saan ka nga pala pupunta aber?!"











"Kay detective park. May sagot na daw! Sana makatulong kahit papano naaawa na din kasi ako sa pamilya ni jun kim. Ayokong mag hintay lamang sila na dumating bigla ang hustisya para sa asawa niyang binaril!" Sabi niya dito.







"Hmmm.... Ganoon ba sige. Basta mag iingat ka lang raiko!" Sabi ni deon sakanya at bumaba na.





 Basta mag iingat ka lang raiko!" Sabi ni deon sakanya at bumaba na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
W "Two Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon