Catching Up

481 7 0
                                    

Umaga ng araw na iyon, aminado si raiko na hindi siya nakatulog dahil sa pag-iisip una sa nurse na nag tangka sa buhay niya pangalawa si dr.maddie na inimbitahan din sa pulis station. Hindi niya alam kung bakit siya nag aalala sa dalaga at kung ano man ang dahilan siguro'y sa pagkapwa tao lang din siguro.

"Raiko, raiko, raiko!!! ano ba? may kausap ba ko!?" Napatingin siya kay sachie na nakahalukipkip na malapit sa pinto ng v.i.p room.

"Ka-kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya sa dalaga na siyang kinaiba ng mood nito.






"Oo raiko!, at oo din kasi kanina pa ko dito na tawag ng tawag sayo! Ano ba iniisip mo?" Bwisit na tanong nito sakanya. Napatingin siya kay sachie, nag pasiya siyang tumayo at lapitan ito hinawakan niya ang ulo nito at hinimas tiyaka niya tinignan ulit ito.




"Pasensiya na! Hindi ko lang kasi matanggal sa utak ko yung......" Pambibitin niya



"Yung???" Intrigang tanong naman ni sachie sa binata




"Yung..... Mga trabahong naiwan ko sa opisina at sa sermon ni tito nung uminom ako sa loob ng opisina!" Sabi niya dito







"Hay ewan!"







"Sige na mauna kana at susunod na ko!" Sabi niya dito na sinunod naman nito. Ng makalabas si sachie sa loob ng v.i.p room tinungo naman ni raiko ang isang upuan kung saan andun ang coat niya at tiyaka naman niya nilapitan ang kama at itinaas niya ang baril sa ilalim ng unan nito. Muntik na kitang magamit kaninang madaling araw! Sabi niya sa sarili tiyaka niya ito isinuksok sa likod at isinunod naman niyang suutin ang coat niya. Ng matunton ang pinto laking gulat niya ng buksan niya ang pinto.




"Doctor Oh!" Sabi niya





"Hmm... Sabi kasi ng nurse ngayong oras ka daw lalabas gusto ko lang sana mag paalam sayo nakaugalian ko na kasi iyon!"







"Sa totoo lang paalis pa lang naman ako pero kung gusto mo pwede tayong mag kapeng dalawa!" Nginitian niya ang dalaga at ganoon din ito sakanya ng kanyang maalala ang "pwede ko bang makuha ang number mo para masabihan kita!"








"Oo naman!" Pag katapos mag bigayan ng numero sa isa't isa tiyaka naman silang nag paalam sa isa't - isa.





"Nako itong si maddie!" Napatingin bigla si maddie sa nag salita isa itong co-worker niya si lupert isang pediatrisian sa ospital na pi ag tratrabauhan niya nakita niya itong may salpak na lollipop sa bigbig.








"Kabute ka nakakagulat ka naman!"








"Anlayo kasi ng tingin mo te!"








"Teka ano palang ginagawa mo dito?" Takang tanong niya. Sukat din naman kasi sa kaalaman na sa patakaran ng ospital bawal ang mga hindi nadestino sa v.i.p floor. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka ng dalaga sa kapwa katrabaho niya.






"Si Congressman Lee andito kasama yung anak niya! Ayun may sakit nakacharge dito! Dahil sa under pa siya ng pedia ako ang nakatoka! Hirap nga mula sa ground floor hanggang dito sa 14 floor kamusta ka naman diba!" Sabi nito sakanya.



"Hmm kaya ka pala andito!"






"Ganoon na nga! Maiba nga diba ang huli mong pasyente ay si raiko kang?!" Tanong nito habang hawak hawak ang lollipop.




W "Two Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon