Doctor is In Dr.Maddie Oh

736 10 0
                                    

Habang nag lalakad ang isang dalaga na nakasuot ng doctor's coat papuntang canteen ay biglang nagvibrate ang cell phone niya na nasa bulsa niya. "AY PALAKA!!!" gulat niyang sabi at kinuha ang cell phone.

"Si papa!? Bakit kaya?" Tanong niya sa sarili niya pinindut niya ang green button upang sagutin ang tawag ng kanyang ama. "Hello papa?"

"Maddie anak kamusta ka na?"

"Ok lang naman ako papa! Ikaw po? Balita ko sa agent mo madalas ka daw uminom pagkatapos mo sa trabaho!"

"Pampatulog lang!"


"Bakit po pala kayo napatawag?" Tanong niya habang papaupo siya sa isang table na bakante hinila niya ang upuan upang makaupo na.



"May gagawin ka ba sa susunodna linggo?" Tanong ng kanyang ama habang tinatagayan ang basong walang laman ng alak.


"Hindi ko pa po alam papa? Bakit po?"


"Ahh wala wala natanong ko lang sige na matutulog na ko babye!"


"Bakit po b-" tuutttuuutttuuuttt... Yun na lamang ang narinig niya sa kabilang linya at tinignan niya ang cellphone niya bakit kaya napatawag si papa ang weird? Sabi na lamang niya sa sarili at tumayo na upang umorder ng pagkain.


Habang si maddie ay kumakain sa isang canteen hospital si raiko naman ay nasa silid niya sa pent house simula kasi makita niya ang bangkay ng kanyang magulang ay hindi na siya bumalik pa doon dahil sa natatakot siya. Habang tinitignan ni raiko ang baso naalala niya ang isang bahagi ng buhay niya.

"Bakit kasi hindi mo pa aminin na ikaw ang pumatay sa magulang at mga kapatid mo!"

Bintang ni mr.choi sakanya habang nasa comfrontation room sila. Sa mga oras na iyon tanging hikbi at luhang pumapatak lamang ang makikita at maririnig kay raiko. Nakatuon ang lahat ng kanyang atensyon sa kamay niya na may dugo ng kanyang magulang.

Kinuwelyuhan ni mr.choi si raiko habang nakatuon sa kanyang mga kamay na may bahid ng dugo ng kanyang magulang."ANO BA NAUUBUSAN NAKO NG PASENSIYA SAYO. UMAABOT KANA SA PISI NG PASENSIYA KO"


Napapikit na lamang si raiko upang mag balik sa kasalukuyan. Napatingin siya sa comic picture na nakasabit sa dingding ng kanyang opisina. Yun ang picture na ginamit sa episode kung saan andun sa libro na iyon ang pag dakip sakanya at sa pambubugbog sakanya. Pinalitan man ang mukha at pangalan ng karakter sa comic na iyon pero hindi naiiba ang nangyari sa kanya.

Walang ano ano ay nilapitan niya ito at tinanggal sa pag kakasabit. Walang salisalita ay inipalo niya ito. Isang pag tangis lamang ang narinig sa binata at napaupo na lamang ito sa sahig. Napahawak si raiko sa kanyang ulo habang umiiyak ng sobra. Walang ibang nararamdaman kundi puot, sama ng loob at kawalan ng pag asa sa hustisya sa kanyang magulang.

"Bakit! Bakit! Bakit!!! Bakit kung kailan hawak ko na ang akala ko histisya para magulang ko bakit biglang lumabo na naman! Bakit kailangan akong lokohin ng taong umamin na pumatay sa magulang ko! Hindi pa ba sapat lahat ng hirap ko?" Yun lamang ang nabulalas ng binata sa silid ng kanyang kumpanya. Nang mapangat ang kanyang ulo sa kanyang kanang kamay napansin niya ang tumutulong dugo sa dito. Napangisi lamang siya sa nakita "sa sobrang sakit hindi ko man lang naramdaman na nasugatan ako!" Dagdag pa niya.



Tumayo siya at lumakad ng pagewang gewang patungo sa elevator ng kumpanya kinuha niya ang cellphone at pinindot ang numerong 3 upang tawagan ang kanyang kaibigan na si tyler na nag hihintay sa labas ng opisina. Hindi siya into company ngunit sa ganitong uri ng pangyayari ay mukhang kailangan niya.


"Hello"



"Pababa nako!"



"Teka lasing kaba?"


Pinatay na niya ang tawag at hinintay makarating ang elevator sa basement ng marating ng elevator ang basement bumukas ang pinto nito. Lumabas siya na ang lakad ay pagewang gewang. Saktong nakita naman siya ng kaibigan niya na maagap na nasalo siya.



"Raiko.. Ayos ka lang ba? Bakit may sugat ka sa kamay? Raiko" yung lamang ang huling narinig niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.





To be continued....

W "Two Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon