First Meet, Quick Tragic II

482 5 0
                                    

Namulat ang binata sa isang silaw ng ilaw. Unti unting nag liwanag ang paningin niya at ang tanging nakita lamang niya ay isang kisame na nakabukas ang ilaw. Tumingin siya sa kanan niya nakita niya ang isang doctor na inaayos ang kawad na nagdudugtong sa kamay niya.

Napatingin ang dalaga sa kanya. Bago mag salita ang binata nabasa niya agad ang nasa gown ng doctor na ngayon ay naka tingin sakanya Maddie Oh Cardiothoracic Surgery sabi niya sakaniyang sarili.


"nagising ba kita?" gulat na tanong ni maddie kay raiko



"hindi! nasan ako?" tanong naman ni raiko




"anong nangyari?"



"nakita ka namin ni mister kim sa rooftop walang malay at duguan buti nalang at agad ka namin nadala dito sa ospital, dahil kung hindi baka naubusan ka kaagad ng dugo." paliwanag nito.



Napatingin silang dalawa sa pumasok na si tyler. Nakita niya na may bitbit itong mga plastic nangangahulugan na bumili ito ng pagkain sa labas. Napatingin si tyler sa kanila at ngumiting papalapit sakanila.




"sa wakas ang dalawa kong kaibigan ay nag kita na!"


nagkatinginan ang dalawa at muling ibinalik ang mga atensyon kay tyler. "raiko i like you to meet dr.maddie, dr.maddie i like you to meet raiko!"ngiting pinakilala ni tyler ang dalawa.



"nice to meet you!" sabi ni maddie at nag vow



"nice to meet you din! ang panget ng first meet natin sa isa't isa nasaksak ako!"



"ok lang!"



tumingin si raiko kay tyler at nag salita "nakuha na ba ang copy ng cctv sa naganap?"





"oo raiko nakuha na pinapaexamin ko na!"




"ehem...."




pag lilinis ng lalamunan na ginawa ni maddie upang mapukaw ang atensyon ni tuler at raiko na andun pa siya sa loob ng kwarto, na hindi pa nakuha agad ni tyler. Napatingin si raiko at tyler kay maddie at napangiti lamang si tyler sa dalaga.



"aayusin ko muna yung pag kain!" palusot na sabi ni tyler. Nang pumunta na sa kusina ng vip room .



Samantalang si maddie patuloy ang pag check sa vitals ni raiko, aminado si maddie na naiilang na siya sa ginagawa ni raiko na pag titig sakanya. tantiya niya na bawat kilos niya ay nakasunod siya ng tingin. Dahil sa hindi na niya mapigilan na hindi mag tanong agad niya itong hinarap.



"ikaw ba ang gumamot ng kamay ko?" iniwagwag ni raiko ang kanang kamay na may bagong benda na dahilan upang tignan ni maddie ang iniwawagayway niya.



"alam ko kasi na hindi marunong mag tahi ng sugat di tyler dahil madaling bumaliktad ang sikmura niya"




"oo ako nga!."





"pasensya na kung nabulabog ka niya!"





"wala iyon! kakatapos lang din naman ng shift ko sa mga oras na iyon!"




"calling doctor oh to the emergency room"



"nako kailangan nako sa er excuse me! babalik nalang ako sa oras ng pag inum mo ng gamot!" sabi ni maddie sa nakahigang si raiko.


"kaano ano mo si Cristian Oh?" tanong ni raiko kay maddie




"papa ko!" simpleng sagot niya at tinungo na ang pinto ng palabas ng kwarto.



"tyler!" tawag niya sa kaibigan na agad namang tinungo ang kama niya.




"anong balita?"




"as you can see wala pa! hindi pa namin nailalabas sa press na nagisinng kana! at yung sumaksak sayo nakita mo ba ang mukha niya?" tanong ng kanyang kaibigan.





Nag buntong hininga siya at tinignan ang kanyang kaibigan "hindi! nakatakip ang mukha niya bukod sa mata! hindi ko makakalimutan ang mata niya! lalo na ang sinabi niya sakin sa mga oras na iyon!" sabi ni raiko. kalmado pero ramdam dito ang galit.





"sinabi? ano ba ang sinabi ng sumaksak sayo?" takang tanong ng kaibigan niya sakanya.





"siya ang pumatay sa magulang at mga kapatid ko!"









to be continue.....

W "Two Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon