Nightmare

265 8 2
                                    

Tumayo si raiko mula sa pagkakaupo at pag haplos niya sa dalaga at namulsa "sabi ng doctor kaya ka nahimatay gawa ng sobrang takot! So I think you need a good rest!" sabi ng binata sakanya tumingin ang binata sag awing kanan at itinuro ang isang sofa "doon lang ako tawagin mo lang ako pag may kailangan ka! Good night maddie!" sabi ng binata sa dalaga at tuluyan ng nag lakad.






Sinundan naman ni maddie ng tingin si raiko papunta sa itinuro nito sakanya, aminado ang dalaga na madalas siyang laging ibinabato sa mga kalalakihan na nanliligaw sakanya o di naman kaya ay may sinasabi sakanyang pampalubag loob ngunit sa sinabi ni raiko kanikanina lamang ay tila napipi siya!. Aminado naman siya NBSB siya pero lingid din naman sa kaalaman ng lahat madami din namn siyang manliligaw nung high school at college days niya. Ngunit sa pag kakataong ito si raiko lamang ang nakapag patiklop sakanya. Aminado siyang komportable siyang kasama at pakiramdam niya ay ligtas siya. Hay nako maddie matulog ka na nga lang, tama na ang pag iisip ng kung ano ano! Saway niya sa sarili. Ipinirmi niya ang sarili at natulog na.




Nagising si maddie sa isang pag ungol ng lalaki kung kaya naman ay unti unti niyang minulat ang mata laking gulat niya ng Makita ang isang hindi pamilyar na lugar. Bukod tanging apoy lamang na nasa isang drum na puno ng tuyong kahoy nakagapos ang kanyang paa at kamay. Pero mas lalo siyang nagulat sa nakita. Si raiko duguan at puro pasa.




"hahahahahahaha... hay ang sarap sa pakiramdam! Ang kilalang si raiko kang! Nakagapos at duguan dahil saan! Hahaha dahil sa kagagawan ko!" sabi ng isang lalaki na naka sumbrerong itim naka gloves din ito all black din ang suot. Napalingon ito sakanya naka mask din ito! Napatingin siya sag awing kanan puro patalim at baril!.




"hu-huwag m-mo s-siyang sa-saksaktan!" sabi ni raiko sa lalaki.





"ohhhhhhhhhhh.... Tignan mo ang manonood natin ay gising na!" pinuntahan niya si raiko at itinapat ang sakanya "tignan mo raiko! Tignan mooooooo.... TIGNAN MO...... hahahaha gising na siya diba!" sabi pa nito at binitawan muli si raiko na duguan at nakagapos ang kamay. Habang ang lalaki ay nag tatatalon habang pumapalakpak.





May sakit ata siya sa utak! Sabi ni maddie sa sarili "raiko!" tawag niya dito






Napatingin naman si raiko ng marinig niya ang pangalan niya na tinawag ni maddie nilapitan niya ang dalaga tulog ito at nakakunot pina papawisan din ang ito. Niyugyog niya ito upang magising





"maddie" tawag niya ditto




"maddie" dinig niya ditto




"hoy ikaw!" turo sakanya ng lalaki. "manood ka!" sabi pa niya dito kinuha nito ang isang baril at itinutok kay raiko





"HUWAG! HUWAG!"




"HUWAG!" napabalikwas ang dalaga at napatingin sa gwapong mukha ni raiko at biglaang lumuha.





"nanaginip ka maddie!" sabi ni raiko




"akala ko totoo na!"




Niyakap siya ng binata upang kumalma ito "shhhh..... panaginip lang yun! Isang bangungot! Taha na!" sabi ng binata sa dalaga. Hinarap niya ito sakanya at iniipit ang lumaglag na buhok ng dalga sa tenga nito "ditto nalang ako sa tabi mo matutulog para di kana bangungutin! Ayos ba iyon?"




Bukod tanging tango lamang ang isinagot sakanya ng dalaga. Ngumiti siya dito at umayos na ng higa ganoon din ang binata. Hinayaan ni raiko na makatulog ito hanggang sa makumpirmang tulog na tulog na ito ay siyang tangkang babangon siya. Ngunit yumakap ang dalaga sakanya kaya't hindi na siya naka alis pa.




Biglang naiisip ni raiko ang panaginip ng dalaga kung ano man ang panaginip niyang iyon mukhang hindi maganda sa ngayon siguro hindi ko muna siya tatanungin saka na pag maayos na ang lahat! Sabi niya sa sarili at muling tinignan ang dalaga at saka naman siyang nag pasiya na matulog sa tabi ng dalaga.




Ngunit palaisipan pa rin sa binata kung ano ang napanaginipan nito!. minabuti na lamang nito na matulog na lamang at ipag pabukas na lamang ang tanong niya dito!. bukas nalang, bukas din naman ay sa penthouse ko naman siya tutuloy! sabi niya sakanyang isip.

W "Two Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon