Is She Ok?

192 6 0
                                    

Ipinasok ng mga tauhan ni raiko si maddie kasama si deon na nakaalalay sad alga. Napatingin ito at napansing nanlulumo ito at nanginginig ng dahil sa nangyari. "Dr.Oh ayus ka lang ba?" tanong ni deon sa dalaga, ngunit bago pa man ito sumagot ay natuluyan na itong mawalan ng malay dahilan upang buhatin ni deon ang dalaga papasok ng elevator.






Samantala si raiko naman ay nasa labas ng ospital nakaupo sa may gilid ng entrance door hawak ang sulat na may tintang dugo. Hindi maalis sa binata ang nalaman. Bakit ganun ginawa ko naman ang lahat para maprotektahan ang paamilya ng taong iyon pero bakit napatay pa rin sila. Sabi niya sa sarili, napatingin ang binita sa papalapit sakanya na si tyler napansin niya agad na may bakas itong pag aalala sa mukha ng binata. Nag disisyon siyang tumayo ng makalapit ito.




"raiko si maddie!" bungad ng binata sakanya





Agad namang umalerto ang binata ng marinig ang pangalan ng dalaga "bakit anong nangyari sakanya?" tanong niya ditto. Alam niya kasi na sa mga oras na ito ay takot na takot ito.

"nahimatay daw siya sabi ni deon sakin! Nasa 14th floor daw sila sa v.i.p room" sagot ng kaibigan sakanya

Ng sabihin ito ng kaibigan niya ay nag lakad na siya papasok ng ospital. Ngunit bago siya mag patuloy nakita niya ang isang butas sa salamin ng ospital siguradong iyon ang tinagusan ng bala sabi niya sakanyang isip. Agad na siyang nag tungo sa elevator at pinindot ang 14th floor ng ospital. Nang matunton ito malalaking hakbang ang ginawa ng binata upang marating ang kwarto kung nasan ang dalaga. Ng marating ito ay agad naman siyang pinag buksan ng pinto ng guard niya. Tumambad sakanya ang walang malay na si maddie at isang doctor at nurse na nag checheck ng kanayang bp.




"kamusta siya?" tanong niya kay deon na nasa gilid niya




"sabi ng doctor kaya siya nahimatay gawa ng nerbiyos!" sagot naman sakanya nito.




Nilapitan siya ng doctor at ipinaliwanag ang sitwasyon ng dalaga. "kaya siya nahimatay gawa ng takot kaya wala kang dapat na ipag alala president kang maya-maya lamang ay gising na siya" yun lamang ang sinabi ng doctor sakanya at umalis kasama ang nurse na kasama nito.




"lumabas muna kayo!" utos niya sa mga body gurad na andun. Agad namang sumunod ang mga ito at lumabas. Pag kalabas ng mga ito ay agad namang ipinuwesto ni deon ang mga tao niya.




"kayong dalawa dun sa entrance papunta dito kayo namang dalawa ditto sa labas ng kwarto paniguraduhin ninyong walang makakapasok na iba. Nasa panganib ang buhay ni President Kang at ni Dr. Oh maliwanag ba?" sabi ni deon




"opo!" sagot naman ng mga ito sakanya




"sige na kumilos na kayo!" sabi naman ni deon sa mga ito




Sa loob naman ng kwarto ay nilapitan ni raiko si maddie at umopo sa gilid ng kama. Hinawakan ni raiko ang kamay ng dalaga at hinaplos din ni raiko ang ulo nito dahilan upang magising ito. "nagising ba kita?" tanong ng binata



"hindi naman." Sagot nito




"sorry kung pati ikaw nadamay!"




"wala ka namang dapat ihingi ng sorry raiko! Alam ko na hindi mo ginusto iyon!" sabi niya sa binata hanggang sa "raiko may tanong ako!"



Napatingin naman si raiko sa dalaga "ano yun?"



"yung nag tangka sakin kanina... siya ba yung killer"



"oo siya nga!"



Napahawak si maddie sa bibig niya at gulat na gulat sa sinabi ng binata sakanya. "ibig bang sabihin nito pati ako nasa panganib din?" tanong niya pa kay raiko



"ganun na nga!"



Takot at pagkagulat ang nakita ni raiko sa mukha ng dalaga sigurado din siya na hindi rin niya ito inaasahan. "anon ng-" natigil si maddie ng mag salita si raiko



"kung pahihintulutan mo dun ka muna tumira sa guess room ko sa pent house. Para masiguro natin na ligtas ka!"



"pero-"



"maddie ito lang ang paraan ko para mabantayan kita at makasiguro ako na ligtas ka!"





"nakakahiya!"




"dahil sakin kaya nasa pusisyon ka na yan!"





Nagulat ang dalaga ng haplusin ni raiko ang pisngi niya na dahilan upang tignan niya ito sa mukha pero mas lalo pa siyang nagulat sa sinabi ng binata. "paniniguraduhin ko na kahit hibla ng buhok mo hindi niya mahahawakan at lalong paniniguraduhin ko na hindi ka niya matatamaan ng bala! Dadaan muna siya sa ibabaw ng kabaong ko bago ka niya malapitan at saktan!"

W "Two Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon