Chapter 3

32 1 0
                                        

Third Person POV

Habang palabas ang apat na lalaki pagkatapos ng kanilang klase ay pinaguusapan nila yung nangyari kanina.

"Grabe sila dude, pati teacher hindi nila pinalagpas  . Teacher yon pero pinahiya sya ng estudyante nya. " hindi parin makapaniwalang tanong ni Jace sa mga kasama nito.

Kanina pa gustong gusto sabihin yon pero pinigilan nya ang kanyang sarili, kaya heto sya at ang ingay habang naglalakad sila.

"Oo nga eehh. Bigla tuloy akong natakot sa kanila. " dagdag naman ni Harvey.

"Akala ko kanina susugurin ng teacher natin kanina yung tatlo. Kahit na naiinis ako sa kanila, I find them cool. " manghang sagot pa ni Jace  .

"You find them cool or sexy? " tanong ni Harley kay Jace. Halatang inaasar nito.

"Oonga dude. Saan don? " gatong pa ng pinsan ni Harley na si Harvey

"Both. " natatawang sagot ni Jace sa dalawa.

"Gag*! Sinusumpong ka na naman ng pagkamanyak mo! " bulyaw sa kanya ni Harvey.

"Kasalanan ko bang ganto? " pag iinarte nya.

"Mamatay ka ng hinayupak ka! " sigaw sa kanya ni Harley.

"Abat kanina nyo pa ako pinagtitripan ha! " sigaw nya pabalik sa dalawa.

"Teka nasaan na si Drake? " tanong nya sa magpinsan.

"Bakit mo sya hinahanap? Kase wala kang kakampi? " pang aasar pa sa kanya.

Habang nag aasaran ang tatlo ay hindi nila napapansin na pinagtitinginan na sila ng babaeng estudyanteng nasa hallway na tumitili pa. Dahil sa busy ang tatlo sa walang katapusang asaran ay kinuhanan na din sila ng litrato.

Halos wala pa silang isang linggo magmula ng lumipat sila pero mabilis silang sumikat .

Hindi namalayan ng tatlo nung biglang may isang babae ang lumapit sa kanila at kinausap ang mga 'to.

"Ahmm. Hi? " nahihiyang bati ng dalaga. Hindi nya pinansin ang mga estudyanteng ngayon ay ang sama na ng tingin sa kanya dahil pinansin nya ang mga ito.

"Hi miss. May problema ba? " tanong ni Jace sa dalaga tsaka nya kinindatan ito at nagulat ang dalaga sa ginawa nito.

"Sorry kung inaabala ko kayo. I overheard kase ang pinag uusapan nyo. Is it about dun sa tatlong estudyanteng matigas ang ulo?" tanong nito sa dalaga.

"Matigas ang ulo? " tanong ni Harley.

"Ahh yes. Yung sumasagot sa teacher nyo kanina. " sagot nito.

"Teka paano alam na sinagot sagot nila yung teacher namin kanina? " nagtatakang tanong ni Harvey.

"Ahh kase napadaan ako kanina sa classroom nyo and narinig ko yung ginawa nila. " pagpapaliwag nya.

Napatango naman ang tatlo...

"What about them? " tanong ni Harley sa dalaga.

"Ahh, if I were you iwasan nyo nalang sila para hindi magkagulo. " pakiusap nito.

"Iwasan? Kami pa talaga ang dapat umiwas ha? " hindi makapaniwalang tanong ni Jace.

"Sila tong nanggugulo sa amin, tapos kami pa ata ang may kasalanan. " dagdag pa nito. Halata sa tatlo na naiinis sila sa sinabi ng dalaga.

"Sino ba sila? Bakit sa kanila ba ang school na to para kami ang mag aadjust ?" tanong naman ni Harvey.

"Look, that's not what I mean. All Im saying is that kapag kayo ang natripan nila, huwag nyo nalang silang pansinin. " sagot ng dalaga sa kanila.

Famous meets Bullies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon