Chapter 7

28 2 0
                                    

Third Person POV

Nagulat ang mga magulang ni Chord dahil sa inasta nya sa harap ng kanilang kapartner sa negosyo. Alam ng mga ito na matigas ang ulo ng kanilang anak ngunit hindi nila inaasahan na gagawin nya iyon sa harap ng anak nila Mr. Montecillo.

"Pagpasensyahan nyo na ang ginawa ng anak namin."  sabi ni Mrs. Tolentino sa mag asawang Montecillo at pati na rin sa kanilang anak.

"It's okay. Naalala ko tuloy nung kasing edad ko lang sya. Ganun na ganun ako dati." natatawang sagot ni Mrs. Montecillo

"Mom,dad. Kakausapin ko lang si Chord. " paalam ng kuya ni Chord na si Thunder.

"Excuse me po." dagdag pa nito tsaka sinundan ang kapatid.

"Mukhang sayo nagmana ng ugali ang bunso mo ah." natatawa namang sabi ni Mr. Montecillo kay Mr. Tolentino na ikinatawa nilang lahat . Maging si Jace na tahimik lang na nakikinig sa kanila ay natawa din.

Hindi pa rin makapaniwala si Jace na makikilala nya ang mga magulang ni Chord. At kapartner pa ng kanyang magulang. Katulad ni Chord ay ayaw sana nyang pumupunta sa mga okasyon na usapang business.

Ngunit hindi sya nagsisisi na sumama sya ngayon sa kanyang mga magulang. Simula nung makita nya si Chord ay nagkaroon na sya ng kakaibang nararamdaman para sa kanya. Pero dahil kilala silang bully sa kanilang pinapasukang eskwelahan ay nahihirapan syang lapitan ito. Hindi nya din maipagkakaila na natatakot sya sa kanya.

Ang isang Jace Montecillo na kilalang babaero ay natatakot lapitan ang isang Chord Tolentino.

"Look's like mapapadalas na kitang lapitan." bulong nya sa kanyang sarili habang nakangiti ito.
---
"Hey Chord." tawag ng kanyang kuya. Naabutan ni Thunder ang kanyang kapatid na nakaupo sa hagdan.

"What?!" pagsusungit nito.

"Why did you do that?" tanong nito sa kapatid.

"Do what?" balik na tanong naman ni Chord.

"Yung inasta mo sa harap ng anak nila Mr. Montecillo." sagot ni Thunder.

"You know that ayokong ayoko sa mga negosyo na yan. Pero pinipilit nyo parin akong umattend. For what? Para ipakita sa kanila na maayos ,ganon?" sunod sunod na tanong nito.

"Para ientertain ang mga anak nila? No way! Alam mong hindi ko hilig ang mga ganyan."

"I understand you. Alam kong ayaw mo sa business world. Ang tinatanong ko kung bakit ganon mo trinato ang bisita nila mom." sabi nito sa kapatid.

"I-I just hate him." nauutal na sagot nito.

"I'm tired. Magpapahinga na ako." paalam nito tsaka umakyat na sya para matulog.

Chord POV

It's Saturday ngayon kaya gigising ako kapag gusto ko.

Napatingin ako sa side table ko para tignan kung anong oras na.

"Great Chord. It's already 1 pm and yet kakabangon mo lang."

Bumangon na ako't ginawa ang morning routine ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko sila mom at dad na mukhang hinihintay akong bumaba.

Lalagpasan ko na sana sila ng magsalita si daddy.

"And where do you think your going young lady." sabi nito kaya napahinto ako.

"I'll just go outside. Why?" sagot ko .

Himala at nandito pa sila ng ganitong oras.

"Were not done yet young lady. Kung sa tingin mo palalagpasin namin ang inasal mo kagabi ,then your wrong. " sabi ni dad. Mom is just watching us.

Famous meets Bullies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon