Third Person POV
"Nakita nyo ba yung ginawa ni Kate dun sa transferee sa cafeteria?"
"Yung pinatid niya? Mygosh! Nakakahiya."
"Nakakaawa sya,kabago-bago nya palang dito sa university minamalas na sya."
"Poor her. Baka bukas wala na yon dito."
Iyan lamang ang mga naririnig ni Flare sa mga estudyanteng nasa labas ng kani-kanilang rooms habang naglalakad sya.
"Psh. Nagbulungan pa kung maririnig naman ng iba. Stupid." bulong nito sa kanyang sarili.
Lahat ng mga estudyanteng nalalagpasan nya ay panay yuko ang mga ulo. Ayaw siguro nilang sila ang mapagtripan nito. Lalo pa't si Flare ang pinakamalala kapag sya na ang nangbubully.
Flare POV
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga malalanding babae na tumitili. Psh.
Napatingin ako kung sino man ang tinitilian nila.
"Tsk. Feeling famous. Akala mo naman sobrang gwapo nila. Psh." bulong ko tsaka pinagpatuloy ang paglalakad sa harapan ng mga babaeng nagtitilian.
Ang mga estudyanteng tumitili kanina ay biglang natahimik ng makitang dumaan ako sa kanilang harapan,kaya agad silang nagsi-alisan.
Napahinto ako sa paglalakad ng makitang may binubully ang mga lalaking estudyante sa gilid.
I was a bully,yes. But I won't let any guys will bully as just because we are girls.
Naglakad ako palapit sa kung nasaan sila. Kinalabit ko yung isang lalaking busy sa pangbubully sa babae.
Napahinto ang mga kasama nito ng makita ako,pero yung isa patuloy parin sa ginagawa sa babae.
"Tatantanan mo sya? Or ako mismo ang gagawa sayo kung anuman ang ginagawa mo sa kanya?" pagbabanta ko sa kanya. Agad naman itong napalingon sa akin. Bakas sa pagmumukha nya ang gulat at takot kaya bigla nalang itong lumuhod sa harapan ko.
"I'm sorry po. Hindi ko na uulitin." pagsosorry nya.
"I wasn't the one you bullied. " sabi ko sa kanya kaya agad naman itong humarap sa babaeng binubully nya kanina.
"Sorry miss. Eto na yung pera mo." pagsosorry nya at ibinagay ang perang kinuha nya.
Napatingin naman ako sa mga kasama nya na pinapanood ang ginagawa ng kasama nila.
"Why are you standing there? " tanong ko sa kanila na agad naman silang pumunta sa harapan ng babae at humingi ng tawad.
Habang humihingi sila ng tawad ay linayasan ko sila at nagpunta na ako sa klase ko.
"Hey,ba't ngayon ka lang?" tanong sa akin ni Chord habang papasok ako.
"Why? You missed me?" asar kong sagot sa kanya. Natawa naman ang loka.
"Missed? Are you kidding? Psh. Ewan ko sayo." sambit nito tsaka pumunta na sa kanyang upuan at kinuha ang bag nya.
"Tara na." yaya nya sa akin. Nagtaka naman ako.
"Saan? May klase pa tayo." nagtataka paring sagot ko.
"Ayan kase. Bumili ka kaya ng orasan mo para alam mo kung anong oras na." natatawa nyang sagot. Aba't! Pinagtatawanan ako ng babaeng 'to. Sinamaan ko nga sya ng tingin kaya napasagot ko sya ng matino.
"Tapos na ang klase." deresto nyang sagot.
"Yun lang pala ehhhh." "Wait ! What?!! " bulyaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Famous meets Bullies
Teen FictionCan the famous make the bullies turn into an angel ? Or can the bullies make the famous turn into a nobody? Famous VS Bullies.