Chapter 6

17 1 0
                                    

Drake POV

"Gosh! Bakit ang gwapo nila?"
"Paano kumalma?"
"Sh*t nakita nyo yon?"

Ilan lang mga yan sa mga naririnig kong bulungan ng mga estudyanteng nasa labas habang naglalakad kami papunta sa klase namin.

Akala mo hindi sila mabubuhay ng walang gwapo ehh.

"Hi ladies." bati naman ng manyak na Jace .

"Qaqu manahimik ka jan." sita sa kanya ni Harvey.

"Ulul! Inggit ka lang. Hindi ka kase gwapo." sagot ni Jace sa kanya. Aso't pusa tong mga 'to.

"Hoy lalaki!" napatingin kami sa kung sino man ang sumigaw.

Nakita ko ang isa sa nambubully sa school na ito na palapit sa amin kung nasaan kami. At lalapitan na nya sana si Harvey bigla itong tumakbo.

"Takboooo!" sigaw nito tsaka nagtatatakbo ang qaqu. Nagkatinginan naman kaming tatlo.

"Anyare don?" tanong ko..

"Malay ko don." sagot ni Harley.

Harvey POV

"Takboooooooo!" sigaw ko tsaka nagtatatakbo

"Hoy jerk! Halika ditong walangya kaaaa!" sigaw nung babae.

Shemay. Hindi ko inasahan na makakasalubong ko sya ah..

"Teka ,bat ang bilis tumakbo ng babaeng to." tanong ko sarili ko habang tumatakbo .

Agad akong nagtago na may makita akong pwede kong pagtaguan.

Ng makatago ako ay sumilip ako kung nandoon pa sya sa kung nasaan man sya kanina.

Habang abala ako sa pagsilip ay may tumatapik sa balikat ko.

"Hoy." sabi nito. Boses babae.

"Teka wag kang magulo miss." sagot ko habang abala parin akong sumilip.

"Sino ba sinisilip mo jan?" tanong nya.

"Yung magandang babae." sagot ko.

"Sino namang magandang babae?" tanong nya pa.

Hayp. Ang kulit ng babaeng 'to ah.

"Gaano kaganda?" tanong ulit nya.

"Pinakamaganda sa lahat." proud kong sagot.

"Talagaaaa?! Anong pangalan nya?" tanong ulit nya. Anak ng sausage ni Drake.

"Teka miss bat tanong ka ng ta-------"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng paglingon ko ay ying babaeng humahabol sa akin kanina ang nasa harapan ko.

"A-Air?" utal kong tanong.

"Ow. So you know my name ha? Siguro naalala mo pa ang ginawa mo sa akin sa bar." galit nyang sabi sakin.

Lagot kang Harvey ka.

"Hinintay ko araw na 'to para mapatay kitang hinayupak ka." galit nyang sabi . Sh*t ka talaga Harvey.

"Kung ano na inisiip ko kung saang lupalop kita hahanaping hinayupak ka,dito lang pala kita makikita." dagdag pa nya.

"T-teka. Hindi ko naman sinasadya yon ehh." depensa ko sa sarili. Pero sh*t lang dahil hindi naniwala ang babaeng 'to.

"Lokohin mo nanay mo. Ulul!" bulyaw nya sa akin.

"Sorry naaaaaaa." pagmamakaawa ko sa kanya. Teka,totoo ba 'tong mga sinasabi ko? Nagmamakaawa ako sa harapan ng babae. Shemay.

"Aba,marunong ka palang magsorry ." hindi makapaniwalang tanong.

"I'll accept your sorry. " sabi nito na syang ikinangiti ko.

Famous meets Bullies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon