Drake POV
"Woi dude !" napatingin ako sa sumigaw habang palabas ako ng kwarto . Ang mga siraulo,feeling sa kanila tong condo ko.
"Anong ginagawa mo nyo dito? Paano kayo nakapasok dito?" sunod sunod na tanong ko sa kanila.
"Aw. Hindi mo ba kami namiss Drake?" tanong ni Jace na umacting pa na nasaktan daw. Gag* talaga tong mga to.
"Miss? Bakla ka ba?" asar kong tanong kay Jace.
"Aba!Suntukan nalang oh!" hamon ng ulul.
"Suntukan na kayo!" panggagatong naman ni Harvey. Sya kaya suntukin ko ng manahimik sya. Di nya tularan yang pinsan nyang tahimik lang.
"Miss nyo mukha nyo! Magkakasama lang tayo kahapon. Nakakasawa na pagmumukha nyo." sagot ko na ikinatawa ko at ni Harley.
"Paano kami nakapasok? Baka dumaan kami sa bintana. Malamang sa pintuan,isip mo Drake." asar sakin ni Harvey. Ay walangya talaga tong lalaking to. Ipalibing ko kaya to ng buhay para matahimik at mabawasan ang mga katulad nya sa mundo.
"Ewan ko sainyo." sagot ko sa kanila tsaka dumiretso sa kitchen.
Pagkabukas ko ng fridge ay napakurap ang mata ko dahil wala yung kayamanan ko.
Teka, the last time I check meron pa ako.
Napatingin naman agad ako sa tatlong busy nanonood at ang iingay pa. Agad akong bumalik sa kanila.
"Mga walangya! Sinong kumuha ng sausage kooo!" sigaw ko sa kanila. Mukhang nagulat sila sa pagsigaw ko dahil agad silang napalingon sa akin.
"Wala akong alam jan ha. Itong si Jace tanungin mo." agad na depensa ni Harvey sa kanyang sarili.
"Aba qaqu ka talaga Harvey! Sa akin mo pa talaga ipinasa. " depensa naman ni Jace.
Napatinginvako kay Harley at hinihintay na magsalita.
"Oh bakit ka sakin nakatingin?" tanong nya. "Yang dalawang yan ang tanungin mo. Narinig ko sila kaninang nag uusap na itatapon daw nila yung mga sausage mo. Pero nagbago daw ang isip nila kaya kinain nalang nila." sunod sunod na sagot ni Harley. Nagpanting naman ang tenga ko ng marinig iyon.
Tiningnan ko sila Jace at Harvey ng masama.
"Mga siraulo kayooooo! Kinain nyo ang kayamanan kooo!" sigaw ko sa kanila.
"Hindi nyo ba alam na mas mahal ko pa ang mga iyon kesa sa inyo." dugtong ko pa.
"Sorry na dude. Papalitan nalang namin. Nagutom kase kami kanina ehh, nagkataon pang yun lang ang nasa loob ng fridge mo. Kaya sorry." natatawang paliwanag ni Harvey.
"Mapapalitan ba ng sorry nyo ang kayamanan ko? At kung gutom kayo,bakit hindi nalang kayo umorder ng pagkain nyo ng hindi nyo pinapakialaman ang kayamanan ko."
"Papalitan nalang namin. Isang truck ng sausage pa kung gusto mo." sabi ni Jace.
"Dapat lang,dahil kung hindi ipapakulong ko kayong dalawang hinayupak kayo." sagot ko. Nakita kong nagpipigil sila ng tawa.
"Anong kaso naman?" tanong ni Harvey.
"Mga magnanakaw ng kayamanan ko
" sagot ko."Ay grabe. Ayaw ko na sa earth,tara Jace punta na tayong mercury." pilosopong sabi ni Harvey.
"Mga gunggung! Bakit gusto din ba kayo ni earth?" asar kong tanong sa kanila. "Pero mabuti nga't pumunta nalang kayong mercury ng mabawasan naman dito sa earth ang mga katulad nyong siraulo na magnanakaw ng kayamanan ko."
BINABASA MO ANG
Famous meets Bullies
Teen FictionCan the famous make the bullies turn into an angel ? Or can the bullies make the famous turn into a nobody? Famous VS Bullies.