" SEAMAN-LOLOKO "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER TWO
"Mabuti naman at naalala mo pang umuwi MaCon?" Malamig pa sa yellow na wika ng kahit hindi lingunin ng dalaga ay kilalang-kilala na niya.
"Bakit? Ayaw mo? Sabagay nga naman hindi naman sana ako umuwi kung hindi dahil kay kuya MA." Walang emosyon na tugon ng dalaga.
Marahil kapag nagkataon na ibang balik-bayan ang nasa katayuan ng dalaga ay baka nag-iiyakan na sila dahil sa tuwa lalo at mahigit limang taon na ang nakakaraan simula ng nagtapos siya kanyang kurso bilang isang piloto at nag- OJT sa Swiss Airlines ay hindi na siya umuwi ng bansa.
"Hindi ko alam anak kung paano ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat pero---"
"I didn't came to hear your dramas so if you don't have nothing to say just let me in for the sake of kuya MA's wedding." Kabastusan man siguro pero pinutol ni MaCon ang pananalita ng ama sabay pindot sa buzzer na hindi man lang hinintay ang taong pinagmulan.
In her mind, she doesn't care at all because they neglected her!
Sa pagtalikod ng anak ay saka pa pinakawalan ni Don Evaresto ang luha na kanina pa nagbabantang mahulog mula sa kanyang mga mata. Maybe it's awkward to cry because he's a man but he can't hold his feelings.
"Masaya ako para sa'yo anak dahil sa kabila ng kapabayaan at kakulangan namin sa'yo bilang magulang mo'y nakamit mo pa rin ang iyong pangarap bilang isang piloto pero kung gaano kalayo ang narating mo'y gano'n naman katigas ang pagkatao mo. Matigas pa rin ang damdamin mo MaCon anak. Kung gaano ka katagal sa himpapawid ay gano'n din katagal ang bigat ng damdamin mo na hindi mo man lang kami inuwian. Hindi ko alam MaCon kung hanggang kailan mo kamikamumuhian." As he said those words, a couple of tears came out from his gray eyes, ang malaabong kulay ng mga mata nito'y naging mas malabo dahil sa pagpatak ng luha.
Kung tutuusin naman kahit hindi na kailangang lumayo ang mga anak nila dahil may sarili naman silang airline ito ang Herrera Airlines na may ilang eroplano na ring bumibiyahe inside out the country, at ang Herrera Shipping Lines na karamihan ay mga cargo's from abroad ang kargada na siya na ring pinamamahalaan ng panganay nilang anak kung saan din nito nakilala ang bride to be nito.
"Mabuti pa si Mark Anthony dahil kahit civil lang ang pakikitungo nito sa amin ay nagawa na nitong ibigay ang kapatawarang matagal na naming inaasam. Sana darating din ang araw MaCon na magawa mong kapain ang damdamin mo na magpatawad dahil namimis ko na ang batang malambing, ang bibong laging may ngiti sa labi kapag nakikita ang tulad ko." Mapait pa sa ampalaya na wika ni Don Everesto saka sumunod na rin dito papasok sa loob ng mansion nila.
"Baguhin mo ang paraan ng pakikiharap mo sa kanya Don Evaresto, sigurado akong mapapatawad ka niya. Gawin mo bilang ama ng mga anak mo ang the best na inaakala at kapag nagawa mo iyun sigurado akong magiging okey na ang lahat sa inyo ni MaCon. Ipagpaumanhin mo ang pakikialam ko pero sinasabi ko lang ito dahil nais kong magkaayos kayo ni MaCon. Isipin mong ikaw ang ama, anak lamang siya at nasa iyo ang karapatan at higit sa lahat ikaw ang nakakaalam kung paano siya mapapaamo gaya ng dati." Ani ng yaya ng magkapatid, ang taong hindi na inisip ang sariling kaligayahan bagkos itinuon ang lahat ng atensiyun sa magkapatid na Mark Anthony at Maria Concepcion. Sa maikling salita siya ang tumayo na pangalawang ina sa magkapatid.
"Umuwi siya yaya pero parang gano'n din na nasa malayo siya sa atin. Mas masakit iyun na nasa tabi natin siya pero napakahirap namang abutin. Sige na yaya pumasok ka na baka hinahanap ka na niya." Agad na wika ng Don hindi para itaboy ito pero para ikubli ang kalungkutan na bumabalot sa kanya ng oras na iyun.
BINABASA MO ANG
SEAMAN-LOLOKO WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Ficción GeneralGENERAL FICTION---DON'T JUDGE ME BECAUSE YOU DON'T KNOW ME----BITCH!!!