CHAPTER FOUR

1.3K 43 5
                                    

" SEAMAN-LOLOKO "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER FOUR

"I know  you owe me an explanation mommy, daddy  pero I'm  running out of time. But don't  worry after this mess bibisitahin ko po kayong lahat sa  Nevada para sa magtapat where I'm  going now. Take care daddy, mommy have a safe trip." Labag  man sa kalooban ni Clarence ang iwanan ang mga magulang na walang  maayos na pamamaalam pero wala siyang nagawa  lalo at may aberya sa barkong  pag-aari niya pero ito'y  lingid sa kaalaman ng lahat.

He was the captain  of his own ship!

Pero  kapag nasa kapatagan  siya'y ang  katiwala niya ang nakahalili  sa  kanya.

Sa  mga  panahong wala siya  sa piling ng pamilya niya'y nasa  laot naman siya, gano'n  din kapag wala silang world tour ng mga pinsan  at kambal niya but still ang lahat ng 'yun ay  walang nakakaalam kundi  siya at kanang kamay niya.

Hanggang sa nakaalis siya'y  nanatiling nakanganga ang mga magulang ni Clarence dahil pagkasabi nito sa binitawang salita'y naglaho na itong  parang bola.

"Mukhang  may lihim na naman ang anak natin honey, and I guess parang si  Braxton lang na may inililihim tungkol sa tunay na trabaho." Naka-iling na aniya ni Meljhorie.

"Ewan ko ba sa mga anak natin honey parang hindi ko na sila kilala. Napakalihim nila when it comes to their  real job. Si Tristan Keith na lang yata ang matino  sa kailang tatlo." Sagot  ni Tristan.

"Well let them be honey, nasa tamang edad  na silang  dalawa at wala din naman tayong alam sa pinag-gagawa nila kaya we don't  have any choices about this matter so  let's  just  support them as we include them to our prayers," wala na ring nagawa  si Meljhorie kundi sang-ayunan ang tinuran ng asawa.

Sa malaking bahay ng mga Mckevin o ang  mag-asawang Donna at Bryan.

"Hindi ba dadaan sina Mel at Tristan dito bago sila pupuntang airport babe?" Tanong  ng huli.

"Iyan ang hindi ko alam babe dahil wala naman silang  binanggit kaninang umaga. By the way babe bakit  mo  natanong? May ipagbibilin ka  ba sa  kanila?" Balik tanong ng Ginang.

"Wala naman babe pero may sasabihin sana ako sa kanila," tipid na sagot ni  grandpa B na sinabayan pa ng buntunghininga na siya namang labis  na ikinabahala ng asawa.

"Ano iyan babe? I mean tungkol saan ba ang sasabihin mo sa  kanila? Huwag  naman sanang may problema lalo at papaalis na naman sila," hindi na rin naitago  ng ginang ang kaba  ng sandaling 'yun dahil na rin sa nakikitang hitsura ng mahal na asawa.

"Actually  babe hindi naman ito  importante  para sa anak natin dahil kung tutuusin si Clarence ang dapat kong kausapin." Sagot  ng matandang lalaki.

"Wait lang babe hindi kita maunawaan ah. Kanina ang mag-asawa ang hinahanap mo dahil sabi mo gusto mo silang makausap, but now you're  telling me na ang apo natin ang  nais mong  makausap?" Muli ay aniya ng ginang na hindi maitago ang pagtataka.

This time, hinarap ng Ginoo ang asawa bago sumagot.

"May tumawag kaninang tanghali hindi  ba babe? Well ang manager ng bangko iyun, alam mo namang kaibigan ko siya at ayun sa kanya kunting  halaga  na lang ang naiwan sa pera ng apo  natin doon at sabi niya na nailabas na nito ang mas  malaki. Doon ang trust fund ng mga bata alam mo iyan kaya naka-update sila sa akin. Well wala namang kaso iyan kung saan nila gustong gamitin  ang  kani-kanilang pera pero nakakapagtaka lang itong  si Clarence dahil wala na daw isang daang libo ang laman  ng account niya. Ang  tanong saan niya ginamit ang halagang 'yun?" Paliwanag ng Ginoo.

SEAMAN-LOLOKO WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon