" SEAMAN-LOLOKO "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER THREE
"Anak bakit? May problema ka ba? May masakit ba?" May pag-aalalang tanong ni Yaya sa dalagang sumigaw ng pagkalakas-lakas na kahit sa pangalawang palapag ito'y dinig na dinig ito sa unang palapag.
"Yay-yaya bakit gano'n? Bakit? Tell me yaya bakit?" Balik tanong nito.
"Anong bakit anak? Hindi ko alam ang sagot diyan dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinatanong mo." Nahihiwagaang sagot ng butihing yaya.
Pero hindi sumagot ang dalaga bagkus ay yumakap ito ng mahigpit na para bang bata na may kinatatakutan.
"Anak kung ano man ang nais mong sabihin magsalita ka na anak. Alam kong may nais kang ilabas sa 'yong kalooban. Kung ang pag-iyak mo ang makakagaan sa pakiramdam mo'y sige lang anak nandito lang si yaya," wika pa nito habang hinahaplos-haplos ang maitim pa sa gabi nitong buhok na may pagkaalun-alon.
Gano'n na ba siya kawalang kuwentang anak? Lahat ng akala niya'y naglaho! Mga maling akala'y iginugupo siya ngayon samantalang buong akala niya'y kaya na niya.
After a while...
"Yaya masama ba akong anak?" Tanong ni MaCon ng sa wakas ay nahamig ang sarili.
"Anak kailan man ay hindi ka naging masamang anak, lahat ng bagay na nangyayari sa mundo'y may dahilan kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Kung ano ang alam mong tama gawin mo habang maaga pa, huwag mong ipagpaliban ang paggawa nito dahil hindi natin alam ang mangyayari sa mga susunod na araw," makahulugang wika ni yaya.
"Yaya sa loob ng ilang taon kong pagkawala dito sa bansa natin, may mga bagay bang nangyari na hindi ko nalaman?" May bikig sa lalamunang tanong ni MaCon na para bang takot na takot sa maaring isagot ng yaya niya.
"Nais mong malaman ang totoo anak? Ang totoo niyan o ang sagot sa tanong mo'y oo anak. Sa loob ng halos pitong taon mong pagkawala ay marami na ang mga bagay-bagay na nangyari, pero nanatiling tikom ang bibig ko dahil nais kong ikaw ang makatuklas kung ano ang nais mong malaman. Hindi ka man nanggaling mismo sa aking dugo pero hindi na kayo iba sa akin ni MA kasama na ang mga magulang ninyo kaya ang nais ko lang naman ay mapabuti ka at huwag kainin ng galit ang buong pagkatao mo." Makahulugang pahayag ni yaya.
"Yaya?" Tanong ng dalaga sabay tingala dito.
"Alam kong pagod ka sa biyahe my dear pilot kaya magpahinga ka na. Kung ano man ang mga gumugulo sa isipan mo'y bukas na iyan," sagot ng may edad ng yaya saka ito hinagkan sa noo.
"Pero yaya--"
"Hayaan mo lang yaya kong iyan ang gusto niya. Marami na siyang hindi alam sa bahay na ito kaya dapat lang na malaman niya kung gusto niya." Putol ng boses at ng lingunin nila ito'y si Don Evaresto na nabulabog din sa sigaw ng dalaga pero pagkatapos nagsalita'y agad ding umalis.
"Kayo din ang dahilan kung bakit hindi ako umuwi ng ilang tao--"
"Bakit MaCon? Inalam mo ba ang lahat? Sige ulitin ko ang tanong ng kapatid mo sa'yo kung gusto mo, bukod sa kasal niya anong dahilan mo at bakit ka umuwi? Oo inaamin kong malaki ang pagkukulang ko sa'yo bilang ama mo pero alam ng Diyos na hindi ako nagpabaya. Sige nga MaCon anong alam mo?" Singpait ng alak na wika ng Don, wala naman siyang balak
Pero kagaya lang ng yaya nila at ni MA na wala itong maisagot. Ano nga ba ang maisasagot nito kung pilit inilayo ang sarili sa mga taong dapat pinakamalapit dito. Singtaas ng pinapalipad na eroplano ang pride?
BINABASA MO ANG
SEAMAN-LOLOKO WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Ficção GeralGENERAL FICTION---DON'T JUDGE ME BECAUSE YOU DON'T KNOW ME----BITCH!!!