CHAPTER SEVENTEEN

1K 34 5
                                    

" SEAMAN-LOLOKO "
WRITTEN BY: SHERYL FEE

CHAPTER SEVENTEEN

"Maraming-maraming salamat sa inyong lahat lalong-lalo na sa pagwelcome ninyo sa aming mag-ama dito sa inyo. Gusto man naming magtagal at makasama kayo ng matagal pero kailangan na naming umuwi ng Maynila, NASA pagamutan daw ang manugang ko kay MA. Hangad  ko na sana sa madaling panahon mahanap na natin si Clarence upang makita niya ang paglabas ng anak nila. Thank you guys." Malungkot na wika ni Don Evaresto.

"We're sorry  about that Mr Herrera pero dahil kinakailangan kaya go ahead at sana as soon as possible gumaling na rin ang manugang ninyo. Maari naman kayong  dumalaw dito anytime you want." Saad ni grandma Donna.

"Tama si mommy balae maari naman kayong bumalik dito kahit anong oras. Pabalik na rin kami ng Nevada pero dahil nawawala pa si Clarence mauuna na lang muna sina Tristan Keith at Joanna." Sabad naman ni Mheljorie bago humarap sa tahimik na si MaCon.

"Iha I know  you're  longing to my son pero please iha take care  of yourself ha. Don't worry we will do everything  para mahanap siya. This is not the  only problem that  we've faced off kumbaga sisiw na ito kaya alam ko magtiwala lang tayo sa Diyos  He will answer our prayers. But for now please do take care  of yourself as well as your future baby." Aniya ng Ginang dito.

"Opo tita mommy. Huwag pi kayong  mag-alala dahil iyan po ang gagawin ko. Maraming salamat po ulit." Tugon ng dalaga kahit banaag sa mukha at tinig nito ang kalungkutan.

"You can come back anytime you want MaCon and sir Herrera and please do take care." Aniya din ni Janellah na bagong dating.

Hindi na rin nagtagal ang mag-amang Evaresto at MaCon, ilang sandali pa after ng mahaba-habang paalaman ay sa wakas sumahimpapawid na rin ang private plane ng pamilya Herrera. Dahil Baguio at Manila lang ang biyahe ay hindi nagtagal lumapag sa helepad ang plane.

"Boss, miss MaCon, welcome home sa inyong dalawa. Sana ay nag-enjoy kayo sa inyong bakasyon sa Baguio." Nakangiting pahayag ng bodyguard/ driver ng mga Herrera.

Actually it's for their security kaya sila may bodyguard. Isa itong militar kaya hindi na rin nakapagtataka kung may sandata ito.

"Thank you Alvarez. How are you?" Tugon ng Don.

"I'm okey sir, how about you miss MaCon? Parang  hindi ka masaya ah, you didn't enjoy  your vacation?" Sagot ng driver sa amo at tanong sa dalaga.

"Okey lang ako kuya, naninibago na naman sa klima. Thank you for asking  but I'm fine." Tipid nitong saka ngumiti, ngiting hindi umabot sa mga mata.

Hindi na nagtanong ang driver lalo at palihim siyang tiningnan ng boss. Hindi lingid sa kanya ang pinagdadanan ng dalaga dahil hindi lang siya bodyguard/driver ng matandang Herrera kundi right hand pa but this just a secret between the family for security reasons.

"Sa  pagamutan na iho." Utos ng Don sa driver.

Iyun na nga ang ginawa nila, dumiretso  silang tatlo sa pagamutan kung saan naka-confine ang asawa  ni MA na si Emily.

"Asawa ko ano ba kasing nakain  mo at lumabas  ka ng walang kasama? Alam mo namang masama iyan sa'yo  eh." Dinig nilang sabi ni MA na palakad-lakad sa tabi ng hospital bed.

"Sorry na honey hindi ko naman inakalang aabot sa ganito eh--"

"Hon naman! Anong akala mo sa kalusugan ninyo  ni baby isang biro lamang? My God Emily! You almost lost  our baby!" Malakas  na sagot ni MA.

"Mark Anthony! Why are you  shouting? Can't  you talk without that loud voice?" Sabad na rin ng bagong dating  na si Don Evaresto.

"Kuya naman baka matuluyang mawala ang baby ninyo sa lakas ng boses mo? Tama naman si daddy ah bakit mo sinisigawan si ate samantalang nandiyan pa naman ang baby ni'yo ah." Singit na rin ng buntis na si MaCon, iyun nga lang mas malaki ang umbok ng tiyan ni Emily.

SEAMAN-LOLOKO WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon