CHAPTER ELEVEN

958 44 6
                                    

" SEAMAN-LOLOKO "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER ELEVEN

"Anong ginagawa mo ditong babae ka? Alam mo bang ikaw na yata ang pinakamalas na nangyari sa buhay ko! Layas! Lumayas ka sa pamamahay namin  kung ayaw mong  ipakaladkad kita sa mga guwardiya diyan!" Kulang ang malakas upang ilarawan ang boses ni Clarence ng oras na iyun dahil halos buong village ay maririnig.

"Why should I? I am here because you're here---"

"You whore! Slut! I said go  away!" Mainit pa rin ang ulo ng binata.

Pero naalarma ang mga taong nakapaligid sa kanila ng lumapit ang binata sa dalagang banyaga at sinimulan itong kaladkarin.

"Don't  do that bro look she's  pregnant." Alarmadong wika ni Braxton.

"I don't  fuckin' care if she's pregnant so what!" Tugon pa rin nito na nagliliyab ang galit sa mata.

"Hey 'cous have you gone mad? Aba'y wala sa lahi natin ang pumapatol sa babae ah." Pigil na rin ni Janellah sa pinsan pero sa kaloob-looban ay  may namumuo na ring inis sa babae.

"Oo insan! Kung kabaliwan ang pagkaladkad ko palabas sa mansion ni grandpa sa alipores ni satanas na iyan oo baliw na. Hindi man lang nag-isip na we're still in the middle of our mournings tapos nandito siyang  nanggugulo." Pulang-pula ang mga mata sa pinaghalong pagluluksa at galit.

"Shut up young man huwag mong sabihin ang ganyan, I know ang lahat ng bagay ay nadadaan sa magandang usapan. Let her go maka mapaano pa ang nasa sinapupunan niya." Pagitna na rin ni Kaskasera the original.

But all of them doubt it, they all know him palabiro, palakaibigan, at makatao pero kapag lumabas ang sungay este ang pagkamainitin ang ulo like that time he's  so dangerous person. Kaya naman bago pa ito muling nagbitaw ng masakit na salita laban nabigla na yatang buntis o talagang hindi na makasingit sa pagsasalita ay inunahan na ito  ni Tristan Kieth.

"Bro isipin mo babae pa rin iyan huwag mo ng patulan. Mapag-uusapan naman siguro natin ng maayos kung ano man ang prob---"

"Anong sabi mo kuya mapag-uusapan? Bakit sumisigaw si mommy kung madadaan ito sa magandang  usapan? Oo inaamin ko galit ako sa sarili  sa paglilihim ko kung anong tunay kong stado pero pagdating  sa pamilya ko putang*nang makakapatay ako ng wala sa oras kapag may nangyaring masama kay mommy! Nawala  na si grandpa kaya't hanggat maari ayaw kong may kasunod dahil hindi ako handa! At ang pokpok na iyan huwag na huwag akong guguluhin dahil baka siya ang kauna-unahan kong mapapatay!" Dumadagundong pa rin ang boses na sambit ni Clarence.

"Let me go, it's  hurt you know." Maarte pang sambit ng dalagang banyaga.

Pero bago pa muling mapatulan ito ni Clarence ay nahablot na ito ni Braxton pero napadaing din ang huli dahil sa tama ng baril kamakailan sa Nevada U.S.A.

"Bro what happened to you!?" (Hoy kambal mo iyan hindi kaaway).

Nag-alinlangan tuloy si Braxton kung ipagtatapat sa kaharap na kulang ay lamunin ng buhay ang dalaga. Abot hanggang  langit na ang galit dahil sa panggugulo nito paano pa kaya kapag malaman totoo o ang dahilan ng sugat sa tagiliran.

Dahil sa pagtatabi ng kambal hindi nalingid sa lahat na napatahimik dahil sa abot hanggang langit  na galit ni Clarence, hindi naging kaila sa kanila ang pagkalito sa katauhan ng buntis, palipat-lipat ang paningin sa kambal. Dito sumabad ang tiyuhin ng dalawa na si Marc Joseph.

"Why iha? Are you not aware that they're twins? I don't  mind whoever they wanted to be with but I guess you're confuse now about them?" Hindi man nasabi ni Braxton ang tungkol sa panggugulo ng dalaga sa bahay nila sa Nevada pero ang tiyuhin naman nila ang nagsalita.

SEAMAN-LOLOKO WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon