CHAPTER EIGHTEEN

1K 51 14
                                    

" SEAMAN-LOLOKO "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER EIGHTEEN

Dahil sa pakikipagtulungan ng pamilya Herrera at pamilya Mondragon o mas tamang  sabihin na buong  angkan ng Mckevin, Mondragon, Herrera at ang mga alagad ng batas o AGDA ay madali nilang nahanap ang lugar na sinabi ni Emily.

"Huwag ka ng sumama sis baka mapaano pa kayo ni baby  dragon." Pigil ni Janellah.

"Ha? Sinong baby dragon sis?" Dahil hindi naman sanay ang dalaga  na tinatawag ng gano'n si  Clarence ay hindi agad niya ito nakuha.

"Masanay ka na anak dahil dragon ang tawag nilang magpipinsan sa mga anak ko short for Mondragon. By the way dito na lang tayo sa bahay ni'yo  maghinay, trust them anak sisiw lang iyan para kay Janellah." Sabad ni Mheljorie.

Kaya naman napakamot na wala sa oras ang dalaga, hindi  niya ito nakuha dahil 'Rence man kasi ang tawag niya dito.

"Tama naman sila anak huwag ka  ng sasama lali at buntis  ka. I'm afraid na baka matulad ka kay Emily na nanganak ng wala sa oras." Saway na rin ni Don Evaresto.

"Sasama po ako tita mommy, daddy , ate Janellah dahil  gusto ko pong makita si 'Rence, please." Sa wakas ay nagawang sumagot ng dalaga.

"Pero sis baka kasi mapahamak kayo ni mini-dragon eh imbes magpasalamat ang dragon na iyun  sa pagliligtas namin sa kanya eh pagalitan pa. Narinig mo naman siguro sis ang sabi ng hipag mo, gumagamit ng droga ang kapatid niya at hindi natin alam kung sino-sino ang nandoon." Diskumpiyadong tutol ni Janellah.

"Hindi ate akong bahala please." Pagmamakaawa pa ni MaCon.

Kaya  naman walang nagawa ang mga kundi  ang isama ang buntis sa lugar kung saan nila isasagawa ang rescue operation kay Clarence.

"Guys tandaan ninyo iwasan ang gumawa ng hakbang na ikapapahamak natin lalo na ang pinsan  ko. May mga earpieces naman tayo para ma-manitor ang galaw ng bawat isa. Maliwanag ba?" Aniya ni Janellah bago sila pumuwesto.

"Dito ka lang sa tabi namin ni Jameston sis huwag kang lalayo sa amin para mabantayan ka namin." Bilin din nito sa dalaga na halata namang hindi mapakali.

Tumango na lang si MaCon, tahimik siyang sumabay sa mag-asawa na nag-lead sa pagrescue sa mahal niyang pinsan ng kasama niyang si Janellah. She's praying silently na maging okey sana ang lahat  para makauwi na rin ang mahal niya.

Kung nakaplano para sa mga taong naghahangad na mailigtas sa kamay ng hayop si Clarence ay nakaplano din ang binatang si Lorenzo iyun nga lang hindi niya alam na napapalibutan na siya ng mga alagad ng batas.

"Sige lang lapit kayo para makita natin kung sino ang kinakalaban mong Mondragon ka. Hayop ka ng dahil sa'yo ay nawala anh pamangkin ko kaya mas mabuti din mawala ang anak mo! I hate you to death!" Ngitngit ng binata.

"Ayusin mo ang trabaho mo gaga! Huwag kang e-epal diyan. Alam ko namang pera ang habol mo eh kaya't umayos ka diyan!" Muli ay bulyaw ni Lorenzo sa babaing natatakam sa katawan ng binatang tulog.

"Parang nagbago na yata ang isip ko lover boy parang nais ko na siyang matikman---"

"Punyeta kang puta ka! Manahimik ka kung ayaw mong ikaw ang ipakulong ko!" Pasigaw ng sambit ng binata.

Pero para sa taong nagsisisi at handang magbagong buhay, ng nakita ni Arman ang mag-asawang Janellah at Jameston na may kasamang buntis ay hindi na ito nag-atubling lumapit.

But.....

"May kalaban! Pinasok tayo ng mga kalaban! Magsikalat kayo!" Sigaw ng isa pang tauhan  ni Lorenzo.

SEAMAN-LOLOKO WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon