Part 1: When we met

102 1 0
                                    

Isang tahimik na kwarto ang kinalalagyan ko,
Simpleng buhay ang nilalakaran kong ito,
Simpleng araw lang ang dumating noon,
Nang isang tao ang nagbago at lumbay ay binaon.

Sa dami ng nakapila sa aking harapan at naghihintay,
Nabobored ako sa dami ng ginagawa nang isang iglap
Isang pangalan ang narinig at tila napaisip,
Pangalan na hindi ko inaasahang masambit nila,
Sa sobrang inis ay napasigaw ng "Sino ba yan?",
Hindi akalaing ang sino na yan ay magugustuhan.

Sa bawat litratong kinukuha mo ng palihim,
Ako nama'y sa isang tabi at puso'y may nililihim,
Sa bawat mensaheng natatanggap mula sa iyo,
Tila liliparin ng hangin sa saya ang puso ko.

Mahal, naaalala mo pa ba ang biro mo tungkol sa kasal?
Ang pintig ng puso ay sobrang bilis at dibdib ay sinasakal,
Ikaw na nga ba ang binigay Niyang regalo para sa kin?
O ikaw ang leksyon na ang puso'y kailangan pang pasakitin,
Ikaw na ba ang "the one and only"?
O ang taong magbibigay sa akin ng "misery".

Paglakbay sa Nakaraan Patungong KasalukuyanWhere stories live. Discover now