Part 4: You and I Became US

31 0 0
                                    

Wala kang prinsipyo at walang paninindigan sa katawan mo,
Sa bawat salitang binitawan at mga pangako mo,
Ni isa wala kang tinayuan o pinaglaban man lang,
Bakla ka nga naman di marunong panindigan ang salitang binitawan.

Pero mahal kita kaya nga kumapit pa kahit hindi na totoo,
Walang tayo, walang ikaw, natira lang ay ako,
Wala pang tayo pero di mon a ako kayang ipaglaban,
Kaya nga umasa na lang sa mga pangako kahit kasinungalingan,
Pinilit na ayusin ang sigalot sa pagitan nating dalawa.

Kahit may pag-aalinlangan ay sinagot pa rin kita,
Bakas sa mukha mo na masaya ka naman,
Walang narinig sa bibig mo kudi "salamat" lang,
Kasabay ng init ng yakap mo ang salamat mo,
Masaya na ang puso dahil ang ikaw at ako ay naging tayo.

Wala na sigurong paraan na naiisip upang di ka mawala,
Hindi iniisip ang sinasabi nila dahil ang mahalaga ay akin ka na.

Mahal, hinahanap ko yung pagsundo at paghatid mo,
Hinahanap ko ang higpit at init ng yakap mo,
Nararamdaman ko na komportable ako pag kasama kita,
Pero bakit parang iba ang pinapakita.

Ang simoy ng hangin ay maalinsangan,
Tila ang bigat ng nararamdaman,
Pero nandiyan ka pa rin naman, nandiyan ka pa mahal.

Paglakbay sa Nakaraan Patungong KasalukuyanWhere stories live. Discover now