Part 5: Only ME

18 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba sa hospital ng pahirapan ako ng sakit?
Dahil noon ay nakilala mo ang mga magulang ko,
Kahit nahihiya ay okay lang dahil pinakilala ko na ang mahal ko.

Ang ating kwento ay naging matamis sa pag-uusad nito,
Pero ang bawat katapusan ay bahagi ng kwento,
Ang pusong pinilit buuin ay muling nagkapira-piraso,
Nanlumo, nalungkot, nagunaw ang mundo ko.

Nang isang gabi pagkalubog ng araw at pagtaas ng buwan,
Masaskit pero kinailangan kitang biglaang iwan,
"Akala mo nahanap mo na sa akin ang hinahanap mo",
Dahil doon kinailangan kong gawin kahit kay sakit nito.

Ang sakit isipin na akala lang pala ang lahat,
Akala ko ikaw na ang karapat-dapat,
Akala ko ikaw na ang binigay Niya,
Akala ko iba ka sa lahat ng nanloko at pinaglaruan ako,
Iba ka nga talaga, dahil iba yung sakit na ginawa mo!

Mahal, balikan mo nga yung binitawan mong kataga,
Kataga na kinapitan ko at patuloy na umasa,
"Bukas maaayos rin natin 'to", yan ang sambit mo,
Pero sa ating tagpuan pinaghintay mo lang ako.

Isang linggo na pagluha at paghanap kalinga,
Mabuti na lang nandiyan ang maaasahang tropa,
Nandiyan sila para punan ang sugat na iniwan mo,
Salamat sa kanila dahil kahit gago ka, kinaya ko.

Paglakbay sa Nakaraan Patungong KasalukuyanWhere stories live. Discover now