Part 7: The Last & Goodbye

17 0 0
                                    

Siya na madalas ma-ugnay sayo kahit hindi pa tayo,
Siya na ipinagtanggol mo dahil nadedehado,
Siya na pinagseselosan ko dahil natatakot ako,
Siya na kapiling mo ngayon at hindi na ako.

Sa dating tagpuan ay nagkita tayo at tumambay,
Tila iba ang nararamdaman imbes na saya, ay lumbay,
Ang laki ng pinagbago mo mula noong huling nasilayan ka,
Ang puso mo ngayon ay nasa iba na.

Ito ang huling araw at gabi na hahanap-hanapin ka,
Hindi na ipipilit ang sarili dahil wala na talaga.
Paalam at salamat sa masasayang ala-ala na pinagsaluhan,
Handa ng maglakad palayo sa ating sinimulan,
Salamat sa halik na ang tamis ay babaunin ko,
Sa susunod na pahina ng buhay ko.

Kahit wala ka na sa mga teksto nito,
Salamat sa leksiyon na natutunan ko.

Ang puso ay parang palayok na nilililok,
Daraan sa nagbabagang apoy ng sigalot,
Ngunit sa kabila ng pagsubok na nagpapahirap sakanya,
Sa bandang huli ay mas matatag at matibay na siya.

--- The End ---

Paglakbay sa Nakaraan Patungong KasalukuyanWhere stories live. Discover now