Part 2: YOU

60 0 0
                                    

Wala na ito sa isip dahil tinamaan na ng lintik,
Ang puso'y sayo na at ikaw ang laman ng isip,
Sa pagtahak ng daan patungo sayong piling,
Isang sikreto sa aki'y nakarating,
Sinuyo mo pa pala siya bago hanapin ang aking piling,
Ako'y natulala, nanlata, at umiling.

Kailangang baguhin ang nakagisnang pagkatao,
Pilit tinatago and totoo dahil ayoko ng gulo,
Because it was me and you against the world,
You became my world with your word.

Mahal, naaalala mo pa ba na sa inyong dalawa,
Kayong dalawang nanunuyo at hinuhuli ang aking mga mata,
Kayo na pinipilit paamuhin ang pusong durog na sa sakit na natamo,
Sa pagitan ninyo, ikaw ang pinili ng puso ko.

Pero bakit tila may iba pa rin sa bawat titig mo,
Nahahalata nila na may koneksyon ang ikaw at ako,
Ang bawat ginagawa mo na unti-unting nagpapalambot sa puso ko,
Pero pumatak ang luha sa mga mata mo.

"Hindi ko pa siya nakakalimutan kaya di pa kita nililigawan",
Kay sakit pakinggan na nagmula pa sayo yan,
Pero mahal kita, mahal na mahal kasi kita
Kaya kahit di ko kaya ay pinaglaban pa rin kita.

Paglakbay sa Nakaraan Patungong KasalukuyanWhere stories live. Discover now