Part 3: Surprise

41 0 0
                                    

Buwan ng Pebrero, araw ng mga pusong nagmamahal,
Mahal, ito yung buwan na lalo kitang minahal,
Pero tila ang alon sa dalampasigan ay galit na galit,
Ng marinig na pinipilit kong sa buhay mo ay sumiksik,
Ganon na ba ako ka desperada at sobrang sakit?

Ngunit isang dahilan ang naging basehan para patuloy na kumapit,
Ikaw at ang mga kaibigan ko ay may plano pala,
Na sa buwan ng Marso ika-lambimpito ay nakatalaga,
Kaarawan ko at ako'y nasorpresa sa ginawa ninyo.

Pero tila ikaw ang naging regalo,
Nang tanungin mo ang salita na nais marinig sayo noon pa,
Nang ang panliligaw mo ay maging opisyal na.

Ang bulaklak at liham na nagmula sa puso mo,
Teka! Nagmula nga ba talaga sa puso mo o sa utak mo?
Biniro ka nila dahil sa effort na ginawa mo,
Pero ang masakit ay i-deny mo ang totoo.

Mahal, tila binuhusan ako ng malamig na tubig,
Pero okay lang basta para sa pag-ibig,
Alam mo bang bagay mong maging criminal?
Dahil sa lahat ng nagtanong sayo puro ka denial.

Paglakbay sa Nakaraan Patungong KasalukuyanWhere stories live. Discover now