Lumipas ang buwan na walang titulo ang pagitan natin,
Titulo na natapos na mula noong hilingin at dinggin ko
Ang sakit nararamdaman mo at pati ako,
Heto tayo ngayon, umaasta na parang tayo.Nasasabi kong mahal kita at mahal mo rin ako,
Nararamdaman ang tamis pero huli na ang pagpaparamdam mo,
Tila nauntog at nakapag-isip na matino itong sarili.Ng kausapin kita at palayain ng may bilin,
Mahal, tatlong buwan ang pakiusap ko sayo,
Sabay ng pagpapalaya ko sa ala-ala noong tayo,
Sa araw na mabagal na dumaan tila hinahanap ka.May mga dumarating, bumabalik na gustong palitan ka,
Pero 'tong puso ko kinandado ang sarili niya bigla,
Dahil ikaw lang ang laman nito at wala ng iba.Patuloy na umaasa na maibalik ang dati,
Kumapit sa mga salitang madalas mong sinasabi,
"Na mahal mo ako at sana tayo pa rin hanggang dulo".Naghintay ako na muling makausap at makita ka,
Ang ngiti sa labi mo at saya sa mga mata,
Sa wakas, Mahal, nakita ko ulit, oo nakita ko na masaya ka,
Pero hindi na sa piling ko kundi sa piling niya.
YOU ARE READING
Paglakbay sa Nakaraan Patungong Kasalukuyan
PoetryA spoken poetry. Pero dahil nasa wattpad world tayo, POETRY nalang. HAHAHA. The whole story will be published soon. On-going process pa ee. Kaya Poem nalangg muna, hehehe. :)