Ashlyn's POV"ganda naman ng boses mo parang ikaw lang" sabi ng kung sino sa likod kaya napalingon ako sakanya at literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.
"hi" nakangiti niyang bati sakin.
"h-hi" ano ba bakit ako nauutal?.
"oh bakit ganyan ang mukha mo para naman nakakita ng multo" sabi niya sabay upo sa tabi ko.
"a-ah wala nagulat lang ako hindi ko kasi akalain na kakausapin mo ako" sagot ko sakaya at tumango lang siya. Ilang minuto din kaming natahimik na dalawa, siguro naubosan na siya ng mga sasabihin pero hindi nag tagal ay nag salita na ulit siya.
"ako nga pala si Evan" basag niya sa katahimikan sabay abot ng isang kamay sakin para makapag shake hands kami.
"ako naman si Ashlyn" sagot ko at tinanggap ang kamay niya sabay ngiti.
"at tsaka nga pala gusto ko lang na malaman mo na hindi ako katulad ng mga kaibigan kong yun na inaaway ang mga kaibigan mo, at gusto ko ding malaman mo na wala akong planong sumali sa away nila, actually hindi naman talaga pala away yung mga yun siguro na pag tripan lang ng mga 'yun ang mga kaibigan mo kaya tinopak" pag papaliwanag niya at tumango lang ako bilang sagot.
"ganon ba? wag kang mag alala dahil wala din naman akong balak na makisali sa away nila sana nga lang mag kaayos na sila kasi ang ingay nila pag nagkikita sila" sabi ko at bigla naman kaming napatigil at sabay pa kaming ngumiti, mukhang pareho kami ng iniisip.
"oo nga noh?pwede natin silang pag batiin ng palihim, so kailan tayo mag sisimula?" sabi niya kaya mas laong lumawak ang ngiti ko.
"hmmm, pwedeng bukas na bukas na, mas mabuti na 'yung maaga" sagot ko kaya naman nag simula na kaming pag planohan ang unang hakbang na gagawin namin bukas.
Hayy sa wakas mukhang iti na yun mag babati narin sila at wala naring maingay sa class room namin.
Lalane's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatulala lang sa kisame at iniisip yung batang nakilala ko noon, ang daming katanungan sa isip ko tulad ng.....
kamusta na kaya siya?
Nasaan na kaya siya ngayon?
Ano kayang ginagawa niya?
Hinahanap niya rin kaya ako?
Naalala parin kaya niya ako?
Iniisip din kaya niya ako?
Hayy ang dami kong tanong na hindi kayang sagutin. Kung nasaan man siya ngayon sana okay lang siya at sana mag kita na ulit kami, dahil kahit sandaling panahon lang kaming nag kasama pakiramdam ko napalapit nako sakanya.
BINABASA MO ANG
Good Girls VS. Bad Boys [On-going]
Fanfiction- DON'T JUDGE A BOOK BY IT'S OWN COVER - TAGLISH-TAGLISH-TAGLISH- This story is all about 8 persons who accidentally meet each other , as in hindi talaga inaasahan Hahaahaha Hindi nagkasunduan nang maaga, kung ibang tao ang nakakakita sa kanila para...