HAPPY NEW YEAR!!!MAG INGAY!!!
SO AYUN, NAG-UPDATE AKO DAHIL NEW YEAR. BALAK KO SANA MAG-UPDATE NUNG CHRISTMAS KASO WALANG WI-FI HAHA! SO AYUN NGA GUYS I HOPE YOU HAD A WONDERFUL AND UNFORGETABLE CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR TO ALL OF MY SUPPORTIVE READERS
AND WAG PO KAYO MAG ALALA DAHIL BIBILISAN KO PO ANG NEXT UPDATE. THANK YOU!!
AYLABYU!!
SO AYUN ULIT HAHA! KANINA KO PA INUULIT ULIT 'YUN PERO WALA NA TAYONG MAGAGAWA HAHA! HETO NA TALAGA, MAG BAB-BYE NA TAYO KAY 2018 AND HELLO 2019!!
HAPPY NEW YEAR ULIT AT BELATED MERRY CHRISTMAS!
Ashlyn's POV
Nandito kami ni Evan sa likod ng school ngayon. sinadya talaga naming dito magkita para walang makakita samin. kahit naman kasi nagkaayos na 'yung mga kaibigan namin maliban kay Allyson at Kevin ay nag iingat parin kami. baka kasi kung anong isipin nila kapag nakita nila kaming magkasama.
"So, si Allyson at Kevin nalang ang problema natin. ano nang plano mo?" tanong ko sa kaniya.
"siguro, hayaan nalang natin silang magkaayos sa sarili nilang paraan. magkakaayos din siguro 'yung mga 'yun. tsaka mas mabuti kung magkaayos sila sa paraan na sila ang gumawa kesa sa tayo ang nagplano"
sabagay, tama naman siya. mas mabuti na nga singuro 'yung ganoon. mas maganda kung magkakabati sila sa sarili nilang paraan at hindi sa paraan na pinag-planohan namin sila.
"mag-sisimula na 'yung next class natin. balik na tayo sa room?" sabi ko sabay tayo. ngimiti siya sakin at tumango.
"arasseo, kaja" sagot niya at tumayo na rin. [어라써 가자 / alright, let's go]
sabay na kaming pumunta sa classroom tutal wala namang masama kung magsabay kami diba? mga dirty minded lang talaga 'yung mga kaibigan namin. kung ano-ano iniisip. kapag nakikita nila kaming magkasama lalagyan agad nila ng malisya.
pagdating namin sa classroom ay tulad nga ng inaasahan ay napatingin samin sina Allyson na nag-kwekwentohan at sina Kevin na nagbabatohan ng papel. napatigil silang lahat sa mga ginagawa nila at kunot noong tinignan kaming dalawa.
tignan mo tong mga 'to, kung maka tingin akala mo may ginawa kaming kremen eh sabay lang naman kaming pumasok sa pinto ng classroom namin. sigurado akong tatadtadin ako ng tanong ng mga to pag-uwi namin sa bahay mamaya.
"sabi ko na nga ba ganyan magiging reaction nila" bulong ng katabi kong si Evan. natawa naman ako at napa tango.
"sinabi mo pa" bulong ko din sa kanya kaya nagtawanan kami. para kaming mga tangang nagtatawanan dito. nakatayo parin kasi kami parehas dito sa may pinto ng classroom namin. natigil lang kami sa kakatawa nang biglang sumigaw si Allyson.
"hala! nag-bubulongan pa!" aniya.
"at hindi lang 'yun! nagtatawanan pa!" gatong naman ni Lalane sa sinabi ni Ally.
Nag katinginan kami ni Evan at sabay na napailing at napa 'tsk' at nagpunta na sa mga upuan namin at sakto naman na dumating na 'yung proffesor namin kaya nag-simula na ang klase.
*****
"class dissmised"
agad na nagsitakbohan palabas ang mga kaklase namin na akala mo mga presong nakatakas sa kulongan. halos di na nga sila magkasya sa pinto eh. mga walang hiya talaga, nauna pang lumabas kesa sa proff namin. hayy
BINABASA MO ANG
Good Girls VS. Bad Boys [On-going]
Fanfiction- DON'T JUDGE A BOOK BY IT'S OWN COVER - TAGLISH-TAGLISH-TAGLISH- This story is all about 8 persons who accidentally meet each other , as in hindi talaga inaasahan Hahaahaha Hindi nagkasunduan nang maaga, kung ibang tao ang nakakakita sa kanila para...