Chapter 7: Sure thing

239 10 0
                                    


Ally's POV

Sabado na ulit ngayon kaya heto kami ngayon. nakatunganga
lang sa TV at walang magawa.
nanonood kami ng Weekly Idol.

Maya maya pa ay may nag door bell. akmang tatayo na ako pero inunahan na ako ni Clouie.

"Ako na" aniya saka nagtungo na sa labas para buksan yung gate.

ilang sandali lang ay nakabalik na siya at may kasama siya,
yung kuya niya, si kuya Dashiel o mas kilala bilang Dash. siya pala yung nag door bell kanina.

"Hi kuya, musta? nakabalik na pala kayo galing states?" tanong ko kay kuya Dash.

"ahh oo, Napa aga lang. actually kahapon pa ako dumating, kaya lang naman ako napadpad dito kasi namimiss kong asarin yung lil sis ko" aniya sabay turo pa kay Clouie.

"Ahh, okay" sabi ko.

Tahimik lang kaming nanonood ulit nang may maalala ako. kailangan nga pala namin ng libangan, pwede naming tanungin si kuya Dash kung may alam siyang pwede.

"ahh, kuya Dash, may alam ka bang pwede naming pagka abalahan pag weekends? katulad nito, nababagot kasi kami rito eh wala kaming magawa"ako kay kuya Dash.

"Ahh, oo sakto may bar yung girlfriend ko pwede kayung kumanta dun o ano kaya lang may nagpeperform na dun kada weekend eh, yung barkada ng kapatid niya, pero pwede ko naman kausapin yung kapatid niya close naman kami eh" tuluy tuluy nitong sabi.

"Talaga?! ayos! thank you kuya!" si Ally.

"Pero pwede bang ngayon na mismo kuya? para maka pagsimula na kami" si Lalane.

"okay, let's go" ani kuya Dash at tumayo na sumunod naman kami agad.

Pagkalabas namin sa gate saktong bumukas yung bahay ng mga lalaking haliparot. napakunut ang noo naming apat dun at may lumabas na mga asong gala. napatingin din sila sa may gawi namin at laking gulat namin nang...

"Kuya Dash, mosta? nakauwi ka na pala" biglang sabi ni Jacob kay kuya Dash. nalaglag ang panga namin dun, sinabi niya bang kuya Dash?

"Ahh kuya you know each other?" Si Clouie habang nakakunut ang noo.

Good Girls VS. Bad Boys [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon