Chapter 15: Protective best friend

285 10 5
                                    

Ethan's POV

kakagising ko lang ngayon at eto ako, hawak hawak na agad ang cellphone ko para i text ng good morning si bespren.

me:
good morning Lala :-)

Lala:
morning

wow ha. kinapos ba sa letters yung keyboard ng phone niya? ang bilis nga niyang mag reply kaso lang bakit morning lang? ni hindi man lang nilagyan ng smiley sa dulo. tsk. hindi pa sinama 'yung good. tsk tsk tsk!

me:
kinapos ba sa letters keyboard ng cp mo? ang effort kasi ng reply mo eh -__-


Lala:
haha! istorbo ka kasi natutulog pa ako. ayan tuloy kinapos ng letters reply ko :-P

me:
tsk! sorry ah, istorbo pala ako :-(

Lala:
wag ka nga mag drama jan di bagay sayo

me:
tsk! hindi ako nag d-drama! nag tatampo ako! -__-''

Lala:
parehas lang 'yun!

me:
mag kaiba 'yun!

Lala:
sige bye na maliligo muna ako. kita nalang tayo pag nagkita tayo :-)

me:
bye

binalik ko na sa side table 'yung phone ko saka dumiretso sa banyo para maligo. pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako at dumeretso sa dining area para kumain. pag dating ko dun, si Jacob at Kevin lang ang nakita ko.

"nasan 'yung isa?" tanong ko nang makaupo na.

"nanjun sha kafeet vohay" sagot ni Kevin habang ngumunguya. hindi ko siya maintindihan kaya tumingin ako kay Jacob.

"In the neighbor" kumunot naman ang noo ko. wala na ba talagang matino sa mga 'to? ako lang yata normal dito eh lahat sila abnormal. kung hindi ba naman nag iisip ang dami dami naming kapit bahay. meron sa left, meron sa right, meron sa front. tsk.

"saang neighbor? sa left, sa right, sa front?" tanong ko pa. umayos lang talaga sila ng sagot kung hindi makikita nila hinahanap nila.

"In the front" sagot ulit ni Jacob. ah In the front pala--- wait. in the front? bahay nila Lala 'yung front ah. tsk. malamang binibisita niya si crushy-crush niya. ch-chansing nanaman 'yun.

"tsk. anong ginagawa niya dun?" pag mamaang-maangan ko. syempre secret nga lang diba? lagot ako dun kay Evanliit pag nadulas ako. haha bahala siya, mas malaki naman katawan ko sakanya.

"ewan" sagot ni Kevin. wow! hindi lang pala phone ni Lala kinakapos sa letters and words ngayong araw. pati rin pala sila. kasi himalang hindi nag-iingay tong maknae namin ngayon. isa pa 'tong si Jacob, puro In the neighbor, In the front lang lumalabas sa bibig niya ngayon. para tuloy akong naninibago. hindi naman tahimik 'tong mga to eh. palagi ngang maingay dito sa bahay eh.

asan na ba 'yung isa? ang tagal naman nun. tsk. bakit ko ba inaalala tong mga 'to? hindi naman ako tatay nila kaya hindi ko dapat sila inaalala. although ako ang pinakamatanda dito ako naman ang pinaka baby face kaya nagmumukha rin akong maknae. haha! Ilang sandali pa dumating na din si Evan na todo ngiti pa. tsk, sigurado may nangyari dito.

Good Girls VS. Bad Boys [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon