[A/N: this chapter is all about Jacob and Clouie po.]
Clouie's POV
lunch time na ngayon at papunta na ako sa kotse ko. nag pa-alam na kasi ako sa tatlo na may pupuntahan ako kaya hindi ako makakasabay sa kanila mag lunch.
Sa totoo lang, hindi naman talaga importante yung pupuntahan ko. may nakita lang kasi akong bagong bukas na coffee shop malapit sa school kaya naisipan kong pumunta. gusto ko kasi mapag isa kaya hindi ko na sinama 'yung tatlo.
pagpasok ko sa coffee shop ay agad akong nagsisi na pumasok pa ako. bwisit anong ginagawa niya dito? sa dinami dami ng mga coffee shops dito sa seol bakit dito pa siya tumabay? sino? eh sino pa nga ba, ide ang nagiisang Jacob Khan na epal sa buhay ko. lalabas na sana ulit kaya lang may naisip ako. kung lalabas ako at iiwasan ang lalaking 'to e baka naman isipin niya na naduduwag na ako sakanya.
papasok na ulit sana ako kaya lang may naalala nanaman ako, nag promise na ako kay Ashlyn na hindi na kami makikipag away sa mga lalaking 'toh eh.
Pero sa huli wala parin akong nagawa kundi pumasok ulit at nag order ng malaking kape. eh ano bang paki ko kung nandito siya? siya lang ba pwede tumambay dito? at saka, hindi naman ako makikipagaway eh. iiwasan ko nalang siya.
Kakauwi lang namin galing sa camping kahapon. ang bait nga ng mga prof namin eh, pinapasok agad kami, hindi man lang kami pinagpahinga. naalala ko tuloy 'yung nangyari nung nakaraan sa camping. nalulunod kaming tatlo nun tapos niligtas kami nung mga kaaway naming palaka. hindi pa nga pala kami nakakapag thank you sa kanila. kahit naman kasi magka away kami eh hindi na kami magpapasalamat noh. utang kaya namin yung buhay namin sa kanila.
Nang maubos ko na 'yung kape ko ay tumayo na ako. bago ako makalabas ay napatingin ako ulit kay Jacob. nagulat ako nang makitang nakatingin din pala siya sakin. nag tama ang mga mata namin. pero inalis ko agad 'yung tingin ko sakanya at nagpatuloy na sa paglalakad palabas. nang malapit na ako sa kotse ko bigla nalang may humila sa braso ko. sa gulat ko ay nasampal ko siya.
"aray naman!" sigaw niya. tsaka ko lang nakita ang mukha niya.
"bakit ka nandito?" tanong ko sakanya. eh malay ko ba kung bakit niya ako sinundan dito diba?
"uhh... kasi wala ako dun?" soplado din pala tong bwisit na 'to. matinong sagot lang hinihingi ko di pa maibigay. tsk. inirapan ko siya at tumalikod na papunta sa koste ko para sana makaalis na kaya lang hinila niya ako pabalik.
"hindi ka man lang ba mag papasalamat dahil niligtas kita kahapon?" tanong niya. Oo nga pala, ang gaga ko talaga, embes na magpasalamat tinarayan ko pa siya.
"ah, Oo nga pala, salamat sa pagligtas sakin" sabi ko.
"you're welcome" sagot niya.
natahimik kami pareho. eh pano kasi, parang kahapon lang magkaaway pa kami tapos ngayon nagpapasalamat na ako sakanya dahil niligtas niya 'yung buhay ko tapos may pa you're welcome pa siya sakin. ano 'yon? weather weather lang?
"uhh... sige, una na ako, bye" aalis na sana siya pero hinawakan ko siya sa braso niya para sana pigilan siya. ewan ko ba, pero parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nung hinawakan ko siya. napalingon naman ulit siya sakin.
"bakit?" tanong niya.
"a-ano kasi.... baka pwedeng ayain kita mag cofee. a-ano pangpa thank you lang sa pagligtas mo sakin" bakit ba ako nauutal? it's so embarrassing!
"ha? cofee? eh, kakagaling lang natin sa cofee shop diba?" Oo nga noh? ang tanga ko talaga minsan.
"ah, Oo nga. uhmmm... sige, tutal lunch time na naman, treat nalang kita ng lunch" sabi ko sakanya na sinang-ayunan naman niya.
BINABASA MO ANG
Good Girls VS. Bad Boys [On-going]
Fanfiction- DON'T JUDGE A BOOK BY IT'S OWN COVER - TAGLISH-TAGLISH-TAGLISH- This story is all about 8 persons who accidentally meet each other , as in hindi talaga inaasahan Hahaahaha Hindi nagkasunduan nang maaga, kung ibang tao ang nakakakita sa kanila para...