Chapter1: First day of school

926 28 1
                                    

Clouie's POV

"Hoy mga bakla kayo, bakit hindi parin kayo naliligo?! Hindi nyo ba na aamoy yung mga sarili nyo?! ang babaho nyo na oh, bilisan nyo baka ma late pa tayo nyan eh!" salubong ko sa tatlo kong mga kaibigan pag baba ko.

"Oo na ito na maliligo na po." at nagsitakbohan na sila papuntang kanya kanyang banyo ng mga kwarto nila.

Dito kasi kami pinatira ng mga magulang namin sa bahay na binili nila para daw malapit lang sa school namin. sosyal diba? ganyan pag good girl ka.

"ma'am good morning po ano pong gusto nyong kainin?"

Napukaw ako ng tawagin ako ng nag iisang katulong namin. Si manang Tessa. taga laba at taga luto lang ang trabaho ni manang dito.

"Ahh kahit ano nalang po"
sagot ko.

Sinadya talaga ng mga magulang namin na isa lang ang kuning katulung para daw matoto naman kami ng ibang gawain kapag nag da-day off si manang. mabuti nalang talaga mahilig at magaling mag luto itong si Lalane at nakakakain kami kung hindi baka walang day off si manang.

"mga bakla upo na kakain na."

Hindi ko namalayan na tapos
na pala maligo ang mga baklang ito. bakla ang naisipan naming tawagan kasi naman nung una naming pag kikitang apat ay may nakita kaming grupo ng mga bakla kaya yun nalang.

"Manang bakit ang sarap sarap nyong mag luto? mas magaling pa ata kayo sa akin eh" sabi ni Lalane.

"Oo na sige na mas magaling na si manang sayo. bilisan nyo na d'yan ma le-late na tayo eh" sabi ni Ally at tumayo na.


Hindi namin namalayan na tapos na pala siyang kumain. may katakawan rin kasi ang isang ito.

Nang matapos kaming kumain tumayo na agad kami para maka alis na. mahirap na baka ma late pa kami, nakakahiya first day of school pa naman ngayon.

"Alis na po kami manang" paalam ko.

"mag iingat kayo" sabi ni manang bago kami makalabas ng gate.

Nang naka rating na kami sa parking lot ng school, half running na kami. huminto ako at tinignan relo ko at nakitang 7:30 pa pala. 8:00 pa yung klase namin ah, ibig sabihin maaga pa. pag angat ko ng ulo ko ay hindi ko na makita 'yong tatlo. hala, asan na yong mga 'yon? iniwan ako? Haay, mga baklang 'yon talaga. natigil lang ako sa pag lalakad iniwan na agad ako. Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad at dahil masyado akong nag iisip--

"Aaww!" sabay pa naming sigaw sa sobrang lakas ng pag kakabanga namin.

"Miss, hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" oh my god my. may nakita akong anghel na fafable na bumaba sa langit para lang sa beauty ko at---teka, kung anghel slash fafable siya, bakit naninigaw at mukhang galit? sa pag kakaalam ko walang anghel na naninigaw ng ganyan ah? ay baka kasama siya dun sa mga anghel na tinapon lupa. at dahil d'yan turn off agad ako sakanya --_____--"

Good Girls VS. Bad Boys [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon