Someone's POV
Katahimikan. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa madilim na silid kung saan ako nakatayo.
"Ahhhhhhhhhhhh!" isang nakakabinging sigaw ang umalingawngaw kaya napatakip ako sa aking tainga. Parang binibiyak ang aking bungo sa matinis na tunog na aking naririnig. Unti- unti akong umurong, bigla akong napa upo sa sakit na nararamdaman. Ilang segundo ang lumipas at nawala ang sigaw. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kung ano sa aking paa at kamay na parang hinihila ako pababa. Nagpumiglas ako lalo ng tuluyan na ko nitong hinihila pababa sa malagkit ng putik. Sumigaw ako ngunit wala, unti-unti kong naramdaman ang pamamanhid hanggang lamunin ako ng kadiliman. Paalam.
Kael's POV
"ARKAEL BALTAZAR!" umalingawngaw ang sigaw ni yaya Minda sa buong mansyon sa pagtawag ng pangalan ko. Eh sa ayaw kong pumunta, ano bang problema niya?
Malakas na bukas ang pintuan, para ngang nasira na e! Ayon si yaya di maipinta ang mukha jusmiyo!
"Ikaw ba Kael e talagang hindi pupunta sa party ni Ally ha? nakakahiya naman!" Tss si yaya naman e!
"Ya mapapaaway lang ako don!" sabi ko tsaka pabagsak na umupo sa kama habang hindi parin pinuputol ang tingin kay yaya na nakatayo parin.
"Ay inako! e bat ka naman makikipag away ha? Ito talagang batang ito! Sige na magbihis ka na at nakakahiya naman sa ninang mo! HAY magkakasakit ako sa iyo!" pagod na sabi nito.
Napabuntong hininga nalamang ako. Tumayo ako at namili ng susuotin. Mahal na mahal ko si yaya, siya nalang yung mayroon ako at ayaw kong pati siya mawala pa. Baka mamaya mag collapse pa yan diyan mahirap na wala akong pera! Joke
Nagpaalam na ko at tinunton ang kahabaan ng highway papunta sa venue.
Pagkarating ko sa venue, dumiretso nalang muna ko sa gilid para hindi ko na makabangga ang boyfriend ni Ally. HINDI AKO BITTER HA!
Ilang oras na kong nakaupo don at nangangawit na rin. Ikaw kaya yung umupo don ng ilang oras tingnan natin kung di ka masaktan aba! Napaka judgemental mo! tse! Birthday nga pala ni ally ngayon kaya ganon-- hirap niyo kasing ispellingin! kailangan detalyado sa inyo! ang gulo niyo! HUWOOO!
Palabas na ko pero hinarang ako ng grupo ni Joax. Not now hoes, suot ko pa naman yung paborito kong coat!
"Uy mag isa si kael!" unggoy 1.
Bakit may nakikita ka bang di ko nakikita? ha? Heart ikaw ba yan? -_-
"uyy may nag sasalitang unggoy!" basag ko sakanya sabay halakhak.
Akmang susugudin niya ko pero pinigilan siya nung isa pa niyang kasama.
Maya maya dumating na yung gorilla este si Joax pala. Nakaamoy na siguro ng gulo, naka katol yan e! Joke!
BINABASA MO ANG
Deilium Academy
Fantasi[HRA: #180❤ in Elemental Fantasy || #15 in Charms] Are you powerful enough to defeat the nefarious and make things sprezzatura? Well then don't be nebulochaotic! Be one of them, together let's explore the spectacular world of Deilium! Welcome Fight...