MissingYou
Chapter 8Halos magkakasabay kaming dumating .. Kaniya-kanyang kuha ng beer , parang alam na nila kung bakit ko sila pinapunta dito ..
Brad Mukhang masaya ka ah ?
Bati sakin ni Alcoh ..Maayos na kasi ang lahat .. Sagot ko kasabay ng malapad na pag ngiti ..
Para Kang nanalo Sa Lotto Ah ..
Sabi naman ni Chini ..Baka naman naka Score ka na Pinsan :) Singit naman ng makulit kong pinsan na si Nyl ..
Siraulo ka pinsan , tigilan mo nga ako .. Sagot ko dito sabay bato ng isang pirasong mani na pulutan namin.
Sus . Ano nga kasi bakit may pag text ka pang nalalaman ? Pangungulit ni Yaba ..
Siguro nakabuntis ka noh ?
Tukso ni Chrisx sa akin ..Isa-isa lang kasi tanong guys , di tuloy makasagot lover boy natin eh .. Si Neil naman bago tumungga ng beer ..
Para saan ba to' Jipeng ?
Si Rain na parang naiinip na pero nakangiti habang nakatutok sa telepono niya ..Teka , sino ba yang katext mo at todo ngiti ka dyan ha ? Balik tanong ko sa kanya na pumukaw sa atensyon ng barkada .. Sa kanya na nakatuon ang mga mata namin .. Naghihintay sa isasagot niya sa akin ..
H-ha ? W-wala ..
Pautal-utal niyang sabi bago ipinasok sa bulsa ng jacket niya ang telepono niya ..Kayo naman minsan lang makipag-chat si Kuya hinahadlangan niyo pa , Sino ba yan Kuya ??
Panunukso ni Chini sa itinuturing niyang nakatatandang kapatid at pinakamalapit sa kanya sa lahat ..Wala to' bakit ba ako iniintriga niyo .. Ayan si Jipeng oh ! Baling niya ulit sa akin .
Sus , ipinapasa mo pa sakin , mahirap bang sagutin kung sino yang masuwerteng ka-chat mo at lumagpas na sa tainga mo yung mga ngiti mo :)
Sabi ko bago ko siya inirapan ng bahagya ..Baka naman si Szen yan ?
Nakataas ang kilay na sabi ni Alcoh ..Para namang namutla si Rain sa sinabi ni nung una..
Teka , Szen na anak-anakan mo Brad ??
Tanong ko kay Alcoh na tumango bilang pag sang-ayon sa huli kong sinabi ..
BINABASA MO ANG
Missing You ♥
Short StoryMasasabi mong nagmamahal ka na ng totoo kapag kaya mo ng tiisin ang lahat ng sakit , harapin ang lahat ng hirap , kapag kaya mo ng magsakripisyo para taong mahal mo at kapag kaya mo nang makita siyang masaya , kahit hindi na ikaw ang dahilan ng mga...